Chapter 3

66 1 0
                                    

~Jisoo

"Time out, time out!" sabi naman ni Sunny. Ilang ulit na namin ginagawa yong sayaw na pinapractice namin pero lagi syang nagkakamali at laging may patime out.

"Ok ka lang ba?" tanong ko naman. Hindi ako sanay na ganyan sya.

Pareho kaming kasali sa dance club at ngayon nagpapractice kami ng isasayaw sa Univ. dance feast na taon taon ginaganap. Halos lahat ng mga colleges/universities sa buong mundo ay may pagkakataon sumali dito. Magsisimula by region ang labanan, tapos yong lahat ng mga nanalo by region ay maglalabanan hanggang may manalong isa at ilalaban sa contest sa ibang bansa.

Lagi kaming kasali pero hindi kami nakakabot sa international level. Pero ok lang, deserve naman ng mga nakalaban namin manalo. Hindi maiiwasan na malungkot pero tanggap naman namin na magaling kami pero may mas magagaling samin o hindi pa oras na kami ay makaabot international.

Walo kaming pinili ng school mula sa dance club pero kami muna ang nagpapractice ni Sunny dahil sa wala pa ang iba, may klase pa.

"Ok lang ako. Excited lang kaya hindi makafocus" sagot naman ni Sunny, hindi ko pa man naitatanong kung bakit sya excited ay nagsalita na sya "Anniv. namin ni Ran" nakangiti nyang sabi saka parang kinikilig at sinuntok suntok ako ng mahina sa braso.

Ngumiti na lang ako at umiling iling saka nagpunas ng pawis.

"Pwede na siguro akong mauna?" sabi nya ulit habang nakangiti at may kinakawayan
kaya tinignan ko kung sino at sino pa ba kundi ang nobyo nya.

"Si-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang kasunod ng jowa nya na nakangiti.

Kasama sya nilang magdidate?

"Jen, parang 1st time mong dumalaw sa practice ko ah?" mukhang gulat din na salubong ni Sunny sa dalawa.

"Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito" seryoso nyang sabi sa kaibigan saka tumingin sakin at ngumiti "Hi!"

Ngumiti lang din ako sa kanya.

"Ok kayo?" tanong ni Sunny na kung kanina ay excited sa nobyo ngayon parang hindi nya nakikita ito dahil sa nakatuon ang nagtataka nyang mga mata samin ni Jennie.

Nagtinginan lang kami ni Jennie saka sabay tumingin sa kanya at tumango. Hindi ko alam pero hindi ko sya ginagaya kaya pareho ang galaw namin ngayon, nagkataon lang.

"Anong nangyari? Nagkasabay lang kayo ng pag uwi nung nakaraan, tapos ok na kayo at dinalaw mo pa sya?" hindi makapaniwalang sabi ni Sunny. "Anong ginawa nyo nung gabing yon na from bitter to better kayo ngayon? Anong nangyari? Sagot?" sunod sunod nyang tanong. Minsan talaga O.A din itong si Sunny.

"Walang nangyari" sagot ni Jennie.

"Hindi nga? May nangyari pusta ko" pagpupumilit ni Sunny na hanggang ngayon hindi pinapansin yong nobyo sa tabi nya.

Magsasalita na sana ako ng makita ko kung pano umikot ang mga mata ni Jennie kaya napangiti na lang ako kaya naunahan nya akong magsalita.

"May nangyari agad? Pokpok lang ang tingin mo sa kaibign mo na isang hatid lang may mangyayari samin?" sabi nya na nakapagpakunot ng noo namin nila Sunny.

Umiling iling naman si Sunny "Hindi. Hindi ganun na pangyayari ang sinsabi. Ito!" hindi makapaniwalang sabi nya saka tinuro ang kaibigan na ang layo na ng napuntahan ang isipan.

Napatawa na lang ako "Oo nga. Ang dumi ng utak talaga ng kaibigan mong yan" pang-aasar ko kaya nakatanggap ako ng masamang tingin mula kaya Jennie na mas kinasaya ko pa. Masayang mang asar lalo sa madaling mainis eh.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon