~Jisoo"Tumigil ka nga sa kakatawa mo" medyo asar ng sabi sakin ni Clarisse, ang psychiatry resident sa hospital samin saka pinalo ako sa braso.
Pinigilan ko naman ang kanina pang hindi mapigil na tawa ko "tama ba naman yong makipaghabulan sa pasyente at madapa?"
Tumawa din sya "Nakakahiya" sabi nya saka tinignan yong siko nya saka lang ako natigilan ng tuluyan sa pagtawa ng makita kong dumudugo ito at may sugat. Hindi ko napansin at naisip yon kanina.
Agad kong hinawakan ito, napadaing naman sya dahil sa mas kumirot yon dahil sa paghawak ko.
"Asar ka, masakit!" sabi nya
"Sorry" sabi ko ng mag-aalala.
Ngumiti sya saka binawi yong braso nyang hawak ko "Ok lang ako. Wag kang magkunwaring nag-aalala dyan pagkatapos mong tumawa ng wagas kanina"
"Nakakatawa naman kasi, pero hindi ko alam nasugatan ka pala"
"Ai, tanga. Malamang pagnadadapa siguradong may sugat yan" nakangiti nyang sabi. "Sige na mauna na ako" sabi nya saka tinapik tapik ang braso ko bago naglakad palayo, nakangiti naman ako tinanaw sya pero mas lalong napangiti ng makita ko ang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan.
Nakacross arms ito, nakatingin sakin habang nakataas ng kilay saka naglakad papalapit sakin.
Napalunok naman ako ng laway dahil sa tingin na binibigay nya sakin, hot sya tignan pagganun pero nakakatakot din dahil sa parang gusto kang patayin pagganun ang tingin nya sayo.
"Ang saya mo ata" seryoso nyang sabi, ngumiti naman ako.
Kahit gusto ko syang yakapin o halikan hindi ko naman ginawa dahil nasa hospital kami.
"Nakita kita eh" palusot kong sabi.
Alam ko kasi yong mga tingin nyang yan, tingin ng hindi natutuwa. Lalo na pagmay kasama akong iba, ganyan ang tingin nya.
Umikot ang mga mata nya "Talaga lang ah! O dahil dun sa kausap mo kanina, tawang tawa?"
Ngumiti ako saka hahawakan sana sya pero umiwas sya. "Si Clarisse yon, isang resident dito"
"tinanong ko ba?" pataray nyang sabi.
"Hindi pero baka gusto mong malaman" ngumiti ako "Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo? Mas gusto mong makita at makipagngitian sa iba kaysa sa makita ang girlfriend mo?" pataray nyang sabi, napangiti naman ako.
Ang sarap naman marinig lalo na nanggagaling sa kanya na girlfriend ko sya.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko na parang baliw ka dyan nakangiti? O sya parin iniisip mo kaya nakangiti ka?"
"Ang selosa mo" sabi ko saka yinakap sya kahit nasa gitna kami ng hospital "Masaya ako kasi girlfriend na kita. Isang araw palang tayo nagtataray ka na naman dyan" saka kumalas ng yakap saka hinawakan ang kamay nya.
"Isang araw palang kasi tayo makikita kita nakikipaglandian sa iba. Dba dapat nasa office ka lang ni El?"
Tumawa ako "Landi talaga? Hindi pa pwedeng may kinuha lang akong dokumento na kaylangan ni Doc El"
"Yon naman pala, dokumento kaylangan mo pero bakit kaylangan makipagtawanan sa iba?"
"Sweety" panglalambing kong tawag.
Ang sarap nyang yakaping ng paulit ulit.Inirapan nya lang yong malambing kong pagtawag sa kanya "Nandito ako kasi dba, pinapabalik ako ni El dito ngayong lunes para malaman yong desisyon nya sa pag-aapply ko" sabi nya kaya napatango ako
"At inaasahan kong makita kita dun kanina pero wala ka sa office hanggang matapos na yong pag-uusap namin ni El wala ka pa rin saka ko makikita na busy ka pala kaya wala ka dun"

BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...