Chapter 6

60 3 0
                                    

~Jisoo

"Oh! Potiks talaga, bago sarap kaylangan ng hirap muna" nagrereklamong sabi ni Cole habang nakatingin sa libro nya "Bwisit hindi ba pwede magsembreak ng hindi dumadaan sa hell week which is exam week?"

"Cole, manahimik ka nga. Yan na nga lang yong gagawin mo, mag aral para naman may magawa ka na makakapagpasaya sa magulang mo eh" sabi naman ni V

"Ok po, father, ito na magsisimula na" pang aasar na sabi naman ni Cole kaya naman napailing na lang ako saka tumingin sa cp ko ng tumunog ito galing kay Jennie yong chat.

"Sarap magising kahit may hang-over dahil sa may nagluto sakin?" chat nya saka pinicturan nya yong linuto kong sopas, napangiti ako na sinama nya ang sarili nya sa picture.

Maganda din talaga itong lasengerang ito na laging broken hearted eh sabi ng utak ko.

"Salamat. Mwah!" chat nya ulit.

"Walang ano man. Gusto ko din sana ayusin yang mga nagkalat nakakahiya naman kasi sakin. hahaha kaso baka mas prefer mo yang ganyan at may magalaw akong hindi dapat galawin" chat back ko naman.

Habang naghihintay ng chat back nya ay nagsalita ulit si Cole sa pagkakataong ito hindi na sya asar dahil sa may pilyong ngiti na syang pinapakita "Look, father! Mukhang dumating na ang susundo sayo sa langit at dadalhin ka sa empyerno" kaya napatingin kami sa tinitignan nya, napangiti ako ng makita ko ang gf ni V. Basta talaga sa kalokohan si Cole.

"Gago!" sabi naman ni V saka lumapit kay Luna ay hinalikan sya sa labi. Peak lang naman.

"Hi, Luns!" nakangiting sabi ni Cole "Magrereview ka din ba?" tumango naman ito bilang sagot habang nakangiti "Ano bang hinihintay nyo punta na sa kwarto mas makakapag-aral kayo dun" nakangiti nyang sabi kaya nakatanggap sya ng malakas na palo ng libro sa ulo. Saka umalis na sila V at ang jowa.

"Yan gago kasi!" pangaasar ko naman kay Cole pero ngumiti lang sya.

"hahaha. Hindi naman kaylangan maglinis. Kaya ko naman. Kita tayo mamaya? Kain tayo, libre ko" chat back nya pero bago pa akong makachat ay nagsalita si Cole.

"San ka pala galing gabi at hindi ka nakauwi?" tanong nya

"Diba nakita mo ako sa bar" sagot ko naman

"Don ka natulog?"

"Patapusin mo ako. Hindi, nakitulog ako sa kaibigan. Wala akong ginawang kalokohan tulad mo paghindi umuwi ng bahay" sagot ko naman

"Tsk! Nagtatanong lang eh"

***

After ng madugong hell week ay masaya naming inumpisahan ang sembreak! Yeah!!! Umuwi kami ni V sa probinsya tulad ng lagi naming ginagawa pagmay mahabang panahon na wala kaming pasok. Masayang masaya naman si nanay Betty na sinalubong kami ng yakap.

"Musta na ang mga anak ko?"

"Maigi nay, maganda at gwapo pa din" masaya at mayabang kong sagot.

Habang nagbabakasyon ay hindi nawala ang komunikasyon namin ni Jennie kahit minsan mahirap dito ang signal ay nagagawan ng paraan. Hindi ko alam pero walang araw simula ng gabing ihatid ko sya na hindi kami nagkakausap sa telepono at masaya naman akong isipin na kahit papano na ibabalin ko ang atensyon nya sa ibang bagay kaysa sa pag-iisip nya sa ex nya.

Ilang araw pa ang nakalipas ay nagchat sya sakin na pupunta sila sa isla kung san malapit lang sa lugar namin.

Pumunta ako dun ng sabihin nyang gusto nya akong makita.

Nang makababa ako sa bangkang sinakyan ko, agad ko naman nakita ang magagandang ngiti nya kahit medyo malayo sya. Nang makita nya ako ay tumakbo syang papalapit sakin. Hindi ko maiwasan mapatitig sa maputi nyang katawan na ngayon ay nababalot lamang ng panty at bra. Napapamura ako sa isip ko dahil sa kasuutan nya at dahil sa alam kung hindi lang ako ang nakakakita nun kundi ang mga nandun ng mga tao bago pa ako dumating at ang mga kasama/kasakay ko sa Bangka. Agad kong hinubad yon polo na suot ko at naiwan ang sando lang sakin.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon