Chapter 9

55 3 0
                                    

~Jisoo

Tulad ng dati ay mabilis nagdaan ang bakasyon at kahit ayaw pa namin magsibalikan ay kaylangan na dahil tapos na ang pamamahinga, sarap buhay dahil sa balik na naman sa totoong buhay, ang buhay istudyante.

Kahit naman tinatamad akong bumalik at ayoko pa talaga ay hindi lang naman kalungkutan ang dala sakin ng pasukan ulit kundi pag-asa na mapapalapit na kami sa mga araw na pinapangarap namin, yon yong graduation at dagdag din sa kasiyahan ko ay ang makita ulit ang mga ngiti ng sweety ko. Namiss ko din yon eh.

Kahit inaantok at pagod pa kami sa byaheng ay pumasok agad, hindi na kami dumiretso sa BH dahil sa wala ng oras. Traffic talaga kahit saan daang kaya naman hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makatulog.

Pagdating sa paaralan, tulad ng dati ang lahat ay matatamlay pagdating sa silid paaralan pero pagbakanteng oras na ay mabubuhayan kami dahil sa sari saring kwento ng bakasyon.

Ako ang ginawa ko lang ay sumandal sa arm chair ko dahil sa inaantok pa talaga ako habang ang mga kaklase ko ay busy sa pakikipagkwentuhan. Hai, tagal ng uwian.

"Sweety, mamaya kukunin ko susi ng BH. Kaylan uwian nyo?" chinat ko naman si Jennie

"3pm, uwian na kami. Wala yong dalawang subject namin eh"

"Ok, see you later. I miss you"

"I miss you so much sweety ko. Mamaya na ako chat ah nandito na prof namin. mwah!"

"Jisoo, sama ka ba mamaya?" sabi naman ng katabi ko na si Bev

"San? Jamming yan? Hindi"

"Gagi, hindi. Nagtext kasi yong tito ko. Yong pagOOJT-han natin gusto mo puntahan mamaya? Para makausap natin. Baka maunahan tayo"

"Nandun na ba yon? Baka naman nasa bakasyon pa yon"

"Hindi na. Ito yong text oh. Punta daw tayo dun kasi para marecommend na tayo sa office, next week kasi ay may business tour sya kaya hindi na tayo maiendorse nya. Hindi naman tayo pwede sa mga susunod na araw ngayon lingo dba? Ano?"

Nag-isip naman muna ako dahil sa magkikita nga kami ni Jennie pero yong pagOOJT-han kasi yon eh.

"Sige. Anong oras ba tayo pupunta?"

"Mamaya after nitong subject" sabi nya naman kaya tumango ako. 12pm matatapos yong subject namin, Half day lang kami eh so, pwede.

Mga dalang oras yong byahe papunta dun tapos kunting minuto lang ata kami kakausapin nun saka makakabalik naman ata akong ng 5pm, o kung hindi dun na lang ako didiretso sa condo nya para ako na lang kumuha ng susi.

"Ang tagal naman ni sir. Hindi naman ata darating yon eh" reklamo naman ni Sunny dahil sa late na yong next prof namin.

Ilang minuto pa ay nagchat si Jennie na naboboring sya sa klase dahil sa binigyan lang sila ng activity saka umalis naman yong prof nila.

Tinawagan ko naman sya "Hey?" masaya nyang bati "Wala kayong prof.?"

"Wala pa eh. Baka mamaya, ako na lang pupunta sa condo mo para kunin yong susi" sabi ko naman

"Bakit? Hindi pwede dito sa school tapos diretso na sa condo ko?"

"Ah, kasi may pupuntahan kami"

"kayo? Nino?"

"Ni Bev, ano kasi yong sa kompanyang pag OOJT-han namin kakausapin daw kami"

"Ngayong araw? Sigurado kayong nandun na yon sa office?"

"Nandun na daw eh"

"hmn, anong oras ka makakapunta sa condo?"

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon