Chapter 14

66 2 0
                                    


~Jennie

"Hi, baka magbago pa isip mo ah. Available pa yong plane ticket na binibinta ko sayo pa Caticlan" text ni Wendy.

Kahapon pa sya unang nagtext sakin, nakuha nya daw yong number ko kila V. Ganun din ang text nya, na nagbibinta daw sya ng plane ticket paCaticlan sabi ko naman wala akong plano pumunta dun.

Pinili ko na lang na hindi replyan ito, mabait naman ito, lalo na tinaggap nya ako bilang bisita sa birthday nya pero hindi naman porket ganun sya ay bibili na ako ng ticket na hindi ko naman gagamitin.

Nakadalawang oras na ako sa panonood ng paborito kong series ng makaramdaman ako ng gutom kaya bumaba ako at pumunta sa kusina, naabutan ko naman dun si Daph.

"Bat nandito ka pa ate?" nagtatakang tanong nya kaya sinuklian ko naman sya ng may pagtatakang tingin.

"Bakit tagadito pa naman ako ah?"

"Hindi. Eh kung nandito ka, sino ang gustong ipa'yes' ni Kuya Jerome?" naguguluhan nyang tanong pero ako ang mas naguguluhan sa kanya.

Pinakita nya naman yon cp nya, makikita dito yong post ni Jerome picture ng dalampasigan na parang may romantic na picnic na mangyayari at may caption pang 'Say yes, please'

"Ang bilis nya naman makahanap-" naputol ang sasabihin ni Daph na parang may naisip syang kinagulat nya.

"Bakit?"

"Hindi kaya surprise ito ni kuya para magkabati na kayo?"

"Panong surprise? Nandun yong picnic sa Boracay nandito ako?"

"hindi kasi may pupunta ditong tauhan ni dad, may naiwan daw syang documents na kaylangan nya, eh kasama sya sa seminar dun sa Boracay, diba? Kaya may inutusan sya at gagamitin nila yong chopper nila kuya Jerome, hindi kaya dadalhin ka dun na nakapiring pero ngayon hindi na surprise kasi sinabi ko na?" sabi nya saka pinalo palo yong noo nya. "Baka nga ganun yon?"

Napaisip naman ako "Hindi ako sasama noh"

"Hala ate ang pabebe. Nag effort sya oh" sabi nya saka pinakita yong screen ng cp nya ulit sakin pero agad namang binawi nya ng tumunog ito.

"Ah, false alarm pala. Hindi para sayo, para sa liligawan ng pinsan nyang si El"

"Tinanong mo sya?"

"Oo, para sigurado na hindi sya nagloloko o kung surprise man iyon sayo"

"Chismosa ka talaga" sabi ko na lang saka nagbalat ng orange.

Sino kaya ang liligawan ni El?

Napahinto naman ako ng maalala ko yong unang pagpunta namin sa hospital ni El at nakita ko si Jisoo dun. Yon din ang araw na naglunch kaming tatlo nila King at El, yon din ang araw na nagkwento si El sa taong gusto nyang ligawan, yong description nya sa gusto nya ay sumasakto kay Jisoo. Hindi nya naman sinabi samin ang pangalan kahit pinipilit na sya ni Jerome.

Hindi kaya si Jisoo talaga yong gusto nyang ligawan?

Kaya ba kahit hindi naman kaylangan ng assistant pinasama nya si Jisoo? Na sila dad at Jerome hindi sinama yong assistants nila dahil sa hindi naman kaylangan. Tapos sya sinama nya si Jisoo?

"Tanong mo nga si Jerome kung sino ang liligawan ni El?"

"Hala, baka sabihin naman ni kuya napakachismosa ko"

"Sige na" pagpupumilit ko naman

"Chismosa ka naman na talaga. Sige na"

"Malalaman naman natin yon pagnagpost ulit si kuya" sagot naman ng kapatid ko.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon