~Jisoo
Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang sya nakatingin sa napakagandang tanawin sa harap namin.
Ano kaya ang nakakapagpalungkot sa kanya kanina na hindi nya makwento sakin?
Huminga ako ng malalim. Tsk! Bat hindi ko sya matiis? Dapat wala kami dito eh. Dapat iniiwasan ko sya eh.
Pero malungkot sya kanina eh, ginagawa naman yon ng magkakaibigan na pagaanin ang loob ng isa't isa. dba? Kaibigan ko sya kaya ganun. pagdadahilan ng sarili kong utak sa katangahan na ginagawa ko ngayon.
Walang masama kung pagiging kaibigan lang talaga ang gusto mo kaya ganyan ka. Ang masama kahit alam mong higit na sa pagiging kaibigan ang nararamdaman mo nagdedeny ka pa at nag iisip ng dahilan para lang mapagtakpan ito at the same time gumagawa ka ng paraan para hindi ito matigil. Kontra naman ng isa pang parte ng utak ko.
Tsk! triny ko namang matigil diba? Hindi na nga ako nagchachat, pero wala pa rin.
Hindi ka nagchachat pag hindi sya nagchachat pero pagnagchat naman sya ay automatic ang kamay mo reply agad. At ngayon ito ka na naman kasama sya para pasayahin kahit alam mong magiging dahilan na naman yan ng sakit.
Dahil nga magkaibigan kami. Hindi naman pwedeng iwasan ko sya dahil sa may nararamdaman na ako sa kanya. Na hahayaan kong masira kung ano ang meron kami dahil sa may nararamdaman na ako sa kanya dba? Hindi ko naman ito ginagawa dahil sa gusto kong may maramdaman din sya sakin kundi dahil yon ang ginagawa ng magkakaibigan.
Pagngongontra at pagdadahilan ng sarili ko sa sarili ko din. Tsk! Baliw na kung baliw pero hindi ko sya kayang tiisin. Mas mahirap at mas nasasaktan akong tiisin sya. Mawawala din ito pagnapagod na, sa ngayon uuwi ako dahil gusto ko syang makasama.
Hindi ko alam kung nakaisang oras na kami dito pero 2am na. Hindi ko din alam kung anong oras kami pumunta dito, nawala iyon sa isip ko dahil ang nasa isip ko lang kanina ay ang makita ang mga ngiti nya ngayon.
Ayokong maghiwalay kaming malungkot sya, lalo na bukas, babalik na sila sa Manila. Magpapaiwan ako ng isang araw dito para makasabay ko na lang sila Wendy pabalik dun. Kahit ok na si Wendy ay nakabantay pa rin kami sa kanya. Maaring bumalik ang depression nya kung may magtrigger ito kaya naman ay lagi parin syang may schedule samin para kumustahin namin sya at kung may pagkakataon naglalaan talaga ako ng oras para sa kanya. Baka sakaling pag may bumagabag sa kanya ay nandon ako, makaopen sya at matulungan ko.
"Pano ba yan?" tanong ko "Balik na tayo"
Umiling iling sya "Punta tayo kahit san. Wag muna tayong bumalik. May place ba dito ng mga rides? Kahit sa Viking lang tayo sumakay?" nakangiti nyang sabi.
"Tsk! Alam mo naman hindi ko gusto ang mga ganun kaya hindi ko inaalam kung may lugar ba ganito ito sa Baguio"
Tumawa naman sya "Duwag" sabi nya saka pinatong ang ulo nya sa balikat ko.
OO, duwag ako. Hindi lang dun kundi sa nararamdaman ko sayo. Duwag akong sabihin ito at maging dahilan ito ng pagbabago kung ano ang meron tayo.
Alam kong may nagbago naman talaga samin pero atleast hindi nawala yong pagkakaibigan kahit minsan na lang nagkakatagpo.
Mas maigi na ito, minsan man magkatagpo basta hindi masira ng tuluyan.
"Gustong gusto mo akong nakikitang matakot eh" sabi ko.
"Mas gusto ko yong yumayakap ka sakin dahil sa takot" sabi nya naman saka tumawa, umiling iling na lang ako saka tumahimik kami ng ilang minuto. Walang ginawa kundi pagmasdan ang magandang tanawin sa harap namin.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanficHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...