~Jisoo
Ilang buwan ulit ang nakalipas pinilit kong mamuhay ng normal. Hindi ipakita sa mga nakapalibot sakin ang pagkadurog ko at pilit ito tinatakpan ng mga ngiti sakin labi. Hindi ako sanay na magpakita ng kalungkutan sa mga taong nakapalibot sakin, ayoko na silang mag-alala pa lalo na si V. Alam kong sasabihin nya ito kila nanay at kuya, ayoko na silang mag-alala pa.
Nakahanap na ako ng trabaho at masasasabi ko na medyo nakatulong itong mabawasan na ang kalungkutan at sakit o nasanay lang ako sa pagkukunwaring na masaya ako at hindi durog.
Basta may nagbago, hindi na tulad ng dating na ngumingiti pagkaharap ng mga tao sa paligid pero pagmag-isa lang sa kwarto ay dun ibinubuhos lahat ng sakit at kalungkutan. Halos araw-araw ito noon kaya siguro kusang tumigil na lang ang mga luha ko sa pagbagsak isang araw dahil sa naubusan na ito o napagod na ito sa kakapatak.
Ngunit kahit ganun ay ramdam ko pa rin yong kakulangan. Na nagiging masaya ako pero pagkatapos nun ay bigla bigla na lang ako makakaramdamn ng lungkot nang walang dahilan o hindi ko mawari kung ano ba ang dahilan. Nagkakulang ang buhay ko ng pinilit ko syang alisin sa buhay ko. Pero hindi ako nagsisising pinili kong hindi kami maging tulad ng dati dahil ito ang nararapat. Hindi naman pwede may nararamdaman ako sa kanya at magpatuloy kami sa kung ano kami dati baka hindi ko mapigilan ang sarili kong makapagtake advantage sa kanya. Ayoko nun.
"Nakakainis at nakakabwisit na buhay ito" umiiyak na sabi ni Ricky saka tumungga ulit sa bote ng alak na hawak.
Kaibigan at kaklase ko sya nung college, nandito kami ngayon sa isang bar dahil sa napag-usapan sa group dyan na may jamming ang mga barkada kaya naman pumunta na din ako.
Isa din yon sa nag-iba sakin, kung dating mas pipiliin kong sa bahay na lang noon ay ngayon kung meron magyayayang gumala at wala naman akong trabaho o raket ay sumasama na ako. Pamatay oras lang, para hindi na ako magkaroon ng alone time at hindi na makapag-isip isip ng kahit ano.
"P*ta! Walang natulong ang mga pinag-aralan natin sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon" dagdag nya habang umiiyak pa rin.
Napatawa naman kami dahil sa nadamay pa ang pinag-aralan namin.
"Mali ata yong inumin na nakuha mo" sabi ng katabi kong si Bev ng kunin ko ang isang baso ng alak sa harap ko saka nya ito kinuha at pinalitan ng basong may juice.
"Tsk! Titikman lang eh" nakangiti kong sabi saka ininom yong juice nabigay nya.
"Wag na. Baka malasing ka pa at magkaganyan lang din" sabi nya saka tinignan si Ricky na nakakaawa nyang tignan.
"I'm not that weak" pabiro kong sabi
Ngumiti naman sya "Wow. Hindi pa nakakainom yan englishera na. Dahil ba yan sa babaeng lagi mong kasama nung college tayo?"
Ngumiti ako "Chismosa ka din talaga" pabiro kong sabi kaya naman tinignan nya ako ng masama.
"Ano bang problema mo Rick?" sabi ng isa pa naming kaklase.
"P*ta ito, bigyan nyo nga ako ng payo sa bagay na ito. Kasi kahit anong gawin o iapply ko man yong mga natutunan natin ay wala pa rin akong magawa" sagot nya saka nagpunas ng luha "May mahal ako"
"Halata naman, heart broken ka sa pinagngangawa mo" sabat naman ni Aga kaya tinapik na lang sya ni Non.
"Yon nga. Mahal ko sya pero may mahal syang iba pero wala akong magawa dahil sa same ang kompanya namin. Hindi ko magawang limutin sya eh. Minsan nga naiisip ko na lang sulutin sya eh. Pwede naman yon diba? Nagkasala na naman ako umibig ako sa may jowa na bat hindi ko na ituloy tuloy ang pagkakasala at sulutin sya, uso naman yon ngayon eh"
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...