~JisooAng sarap gumising sa umaga pagganito lagi. Sana habang buhay na ganito ang umaga ko, nagigising sa bango ng iniluluto ng dyosa sa harap ko. Presensya nya palang ok na ok na ako pero maswerte talaga ako na hindi lang sarap ng pagmamahal nya ang pinaparamdaman nya sakin kundi pati sarap ng luto nya dagdag pa natin ang sarap ng yakap at mga halik nya.
Napaupo ako ng maayos ng humarap sakin ang kaninang busy sa linuluto nyang si Jennie, nakangiti sya agad "What are you thinking? Bat nakangiti ka dyan?" tanong nya habang sinasalin na ang adobo sa baunan ko at yong iba sa plato ko.
"Iniisip ko kung ganun ako kaswerte sayo"
Mas ngumiti sya saka tumango "You really are. Kaya dapat wag mo na akong pakawalan ah?" sabi nya, tumayo naman ako para tulungan syang ilagay sa mesa ang pagkain pero habang hawak ko ang mga plato ay yinakap ko sya.
"Makakawala ka pa ba dito?" nagbibiro kong sabi habang hinigpitan ko pa yong yakap pero sinisigurado kung hindi sya nasasaktan sa pagkahigpit. Natawa sya sakin.
"Matapon yang pagkain ah" sabi nya, tinignan ko sya saka ngumuso ako kaya naman ay agad nya akong binigyan ng dampi sa labi.
Kumalas na ako sa yakap habang nakangiti parin at inilagay ko ang hawak ko sa mesa, napatingin kami pareho sa cp nya ng tumunog ito. Agad ko naman nakita ang pangalan ni King sa screen ng cp nya. Nagtext ito, tumingin naman sya sakin na parang nagpapalam na kung pwede nyang makita ang text nito kaya ngumiti naman ako.
Habang nakahawak at tingin sya sa cp nya ay kumain na ako dahil sa may trabaho pa ako "Sweetie, kain ka na" sabi ko tumango naman sya, busy pa rin sa cp pero bigla nyang tumingin sakin na may pag-aalala o kung ano sa mga mata nya pero pinilit nyang ngumiti ng makita nya akong nakatingin sa kanya.
"Kamusta sya?" tanong ko ng ilapag nya na yong cp nya sa mesa.
Dalawang araw na nakalipas ng mailibing ang mommy ni King.
"Hmn, sinusubukang maging ok. Pero syempre mahirap yon" malungkot nyang sabi kaya napatango ako.
Ramdam pareho namin ni Jennie ang nararamdaman ngayon ni King kahit ako nalulungkot para sa kanya. Hindi madaling mawalan ng taong minahal ka at minahal mo buong buhay mo. Walang sino man ang makakapagpantay sa pagmamahal na ibinibigay ng isang magulang at walang sino man ang makakapagpuno ng naiwan nya sa pagkawala nya.
"Gusto nyang makalimot. Gusto nyang mas makamove on sa pagkawala ng mom nya kaya titigil muna sya sa pagiging doctor. Hindi pa rin nyang matanggap na wala syang nagawa para pahabain pa ang buhay ng mommy nya kahit ang propesyon nya ay doctor" sabi ni Jennie.
Hinawakan ko naman ang kamay nya dahil sa ramdam ko ang lungkot nya. Alam ko hindi lang dahil sa naalala nya ang nanay nya sa pagkamatay ni Mrs. King kundi dahil sa naging mahalaga din ito sa kanya.Tumingin sya sakin, nginitian ko na lang sya.
"Gusto ni Je na pumunta sa ibang bansa, baka daw for good na" dagdag nya, na bigla akong kinabahan dahil sa tingin nyang binigay sakin. Hindi maintindihan pero parang may susunod syang sasabihin na hindi ko magugustuhan kaya kinakabahan ako. Ewan?? Kaya hinintay ko pa na may sabihin syang ulit pero napabuntong hininga na lang sya saka kumain.Wala na ba syang sasabihin? Para san pa yong kaba kong naramdaman kanina?
Hindi kaya gusto nyang sumama kay King?
Pano kung narealized nya na ito pala talaga ang mahal nya nang magpaalam si King sa kanya na aalis ito at maaring hindi nya na ito makita for good? Pano kung---"Sweetie?" tawag sakin ni Jennie na napabalik sakin sa reyalidad "Are you okay?" tanong nya saka nya hinawakan ang kamay ko na mahigpit na pala ang hawak sa kutsarang hawak ko.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...