Chapter 7

63 5 0
                                        

~Jennie

Sa mga nakaraang araw ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon magkita ni Jisoo dahil sa sabay sabay na gawain sa school plus kung meron man na time sya, may raket naman syang ginagawa, which is nakakalungkot. Namimiss ko na ang malanding yon.

Kaya ng malaman kong bakante sya ngayon ay yinaya ko syang gumala at pumayag naman. Last week na din kasi at Christmas break na naman, hindi na kami magkakaroon ng oras para magkita dahil panigurado sa probinsya sila magbabakasayon tulad ng lagi nilang ginagawa.

Pagkatapos ng pagkatapos ng last subject namin ay agad akong naghanda, chinat ko din sya na sa gate na lang kami magkita, ngayon papunta ako sa cr kasama nila Bridge. Kaylangan mag-ayos muna noh.

"Jen, Ikaw na muna. Bakante na yong kabilang cubicle" sabi naman sakin ni Bridge na kasama ko sa cr.

"Hindi ​​ako gagamit" sabi ko saka naglagay ng kunti powder sa mukha at lipstick sa labi.

"Magpapaganda lang kaya nandito ka? May date kayo ni Will?"

Ngumiti ako "wala. Si Jisoo kasama ko ngayon" sagot ko naman, kahit kasi sinabihan ko na si Will na hindi pa ako handa makipagrelasyon ay gusto nya paring ipagpatuloy ang pangliligaw. Handa naman daw syang maghintay kaya pinabayaan ko na.

"Diba yinaya ka ni Will kanina? Hinindian mo sya para lang kay Jisoo?" hindi naman kapaniwalang sabi ni Bridge.

Kaya tinignan ko sya "Anong para lang? Mas masaya kasama si Jisoo" diretsyahang sagot ko.

Totoo naman kasi yon, kahit wala kaming gawin na magkasama ni Jisoo parang ok lang. Chill lang kasi sya kasama. Masaya kasama ang malanding yon. Hindi dahil sa kalandian nya ah, kaya masaya sya kasama kundi dahil sya si Jisoo. Ewan basta masaya sya kasama.

"Gusto mo ba sya? Mas gusto mo sya kay Will" napaisip naman ako dahil sa tanong na yon ni Bridge.

Parang nga. Mas gusto ko syang kasama, kausap, nakikita kaysa kay Will. Mas komportable ako sa kanya. Siguro dahil sa magkaibigan kami habang si Will naging kaibigan ko din naman dati pero nagkaawkward moment kasi nangliligaw na sya. May mga bagay na ginagawa namin dati na hindi na pwedeng gawin. Example yon yakap ng pangkaibigan hindi ko na masyado ginagawa yon kay Will dahil sa alam kong may malisya na sya dun o baka mabigyan ko sya ng maling pag-asa. Mabait naman si Will pero baka hindi pa talaga ako handang pumasok ulit sa relasyon. Sa ngayon masaya na akong ganito. Single at may mga kaibigan na laging nandyan.

"Tinatanong pa ba yan mas malaki yong ngiti nya pag si Jisoo katext nya o kasama nya" sabat naman ni Pres.

"Pero hindi naman yan aabot sa pagmamahal diba? Masaya lang sya kasama pero hindi mo sya mahal at gustong maging jowa?" tanong naman ni Bridge na nakapagpatawa sakin.

"Magkaibigan kami" sagot ko na lang saka tinago ang gamit ko para makaalis na.

"Hindi din sinagot yon tanong ko. Ipagpapalit mo ang mayaman na at gwapo pang si Will kay Jisoo?"

Sa pangalawang pagkakataon ngayon araw ay tinignan ko ng nakakunot na noo si Bridge, bat parang minamaliit nya si Jisoo?

"Ano naman kung mayaman sya? Hindi ko kaylangan ng pera nya. May pera din kami. At anong masama kay Jisoo?"

"hindi ko man sinasabing mukha kang pera pero kung sa ideal na makasama sa buhay si Will ang pang practical. Mayaman ka kasi nasa poder ka ng mom at dad mo pano kung hindi na. Kaya kang buhayin ni Will. Sa murang edad may sarili ng negosyo"

"Bakit magpapakasal na ba ako?" natatawa kong sabi. Daming alam eh. "loka ka. Alis na ko, ayokong naghihintay si Jisoo sakin" aalis na sana ako ng higitin ako ni Bridge.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon