Chapter 10

64 4 0
                                    

~Jisoo

"Ang tahimik mo" sabi ni Jennie na ngayon naghahanda na kami ng meryenda "May sakit ka ba?"

"Wala, tahimik naman talaga ako" sagot ko naman habang naghahati ng kamote, magluluto kami ng bilo bilo. Hindi pa daw kasi nakakain nito ang rich kid na si Jennie.

Ngumiti naman sya "Sa harap ng ibang tao tahimik ka pero madaldal ka pagtayo lang dalawa. May problema ba sa pinag-OOJT-han mo?"

"Wala. Ok naman dun"

"Sabagay parang ok naman talaga ikaw pagkasama si Bev, halata sa mga picture nyo na nakatag ka na lagi kang nakangiti. Habang ngayon na kasama mo ako parang ayaw mo ngang ngumiti o magsalita man lang" nagtatampo nyang sabi.

Ngumiti ako kahit hindi pa rin nawawala ang lungkot ko na nararamdaman dahil sa mga iniisip ko tungkol sa kanila ni King "Nagseselos ka na nyan?" pinili kong magbiro para hindi naman nya maramdaman na hindi ako ok.

"Hmn, hindi ah" sabi nya habang nakanguso.

"Bakit parang oo?"

"Baka kasi ganun yon mga ampon, na kahit nagseselos na humihindi?" sarkastiko nyang sabi.

"Selos ka nga?" patuloy kong pangungulit.

"Ampon ka din dba? Selos ka nga din kahit humihindi ka?"

"Hindi nga ako selos"

"Deh hindi din ako. Pareho tayo ampon eh" sabi nya kaya natawa ako.

"Anong kinalaman ng pagiging ampon natin?"

"Ewan ko sayo" nagtatampo nyang sabi. "Basta" nakanguso nyang sabi saka ngumiti "I love you"

Kaya napangiti na ako ng tuluyan at ng totoo "I love you too, sweety"

Naging ok na kami after nun at balik sa dating lambingan pero pagkatapos ng araw na yon ay hindi pa rin naging ok ang sched ng magkasama kami dahil nga sa paiba iba ang oras ng pasok nya. Minsan hindi na kami nagkikita kahit weekends dahil yon ang araw ng pasok nya habang ang vacant days nya naman ay weekdays na kung kaylan pasok ko din.

Hindi naging madali ang paghahanap namin ng oras para magkasama kami ng matagal at makipagkwentuhan sa isa't isa. Kadalasan ay nagkakasama nga kami pero sa pagtulog lang dahil sa pagkagising ng isa ay aalis na ito.

Tanggap naman namin na ang mga oras na naibibigay namin sa isa't isa ay hindi na tulad ng dati, na ngayon mas limitado at hindi sigurado. Pero hindi ko pa rin maiwasan malungkot paghindi nagtutugma ang oras namin lalo na pagnakaplano na kaming magkikita tulad ngayon. Napag-usapan naming magkita pero tulad ng mga nakaraan ay hindi natuloy, hindi dahil sa may pasok sila kundi dahil nakapangako na sya kay King napupunta sa kanila para sa birthday ng nanay nito.

"Hey? Are so still there?" tanong nya sa kabilang linya

"Oo"

"Sorry, bawi ako sa susunod"

"Lagi na lang ganun eh" sabi ko naman saka binaba yong cp.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa ginawa ko pero hindi ko din talaga kaya makipagusap sa kanya sa pagkakataong ito ng ipakita sa kanya ok lang kahit hindi naman. Na parang nakakapagod nang maging ok lang kahit hindi naman talaga. Na hindi magselos kahit ang totoong dinudurog na ang puso ko sa subrang inis at sakit.

Bigla naman nakatanggap ako ng text mula kay Bev "Hoy? Umuwi ka talaga? Dami pa natin aasikasuhin" napailing naman ako. Tsk!

Tumatawag na din si Jennie ulit pero pinili kong hindi sagutin ito.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon