~JisooInaantok pa ako pero pinili ko ng gumising dahil sa alas 9 na ng umaga at nagugutom na din ako. Kaylangan ko magluto ng pagkain ko dahil sa wala sila V, nasa trabaho pa. Wala akong mabuburaot ngayon.
Malapit na ako sa kusina ng maamoy ko ang amoy ng pancake.
Napakunot naman ang noo ko, hindi kaya pumasok si V dahil sakin? Nag-aalala pa rin sya sakin kaya nandito pa sya.
"Good morning!" masayang bati ng magandang dilag na dumalaw sa panaginip ko kagabi.
Napakurat ako ng ilang beses, ilang beses ko din kinusot ang mga mata ko pero hindi sya naglaho sa paningin ko.
Panaginip pa rin ba ito?
"Kain na?" masaya nyang sabi. Hindi ko sinagot ang tanong nya, lumapit lang ako sa kanya habang sya nakangiti lang.
Ang ganda nya. Walang kupas. Kahit sa panaginip ay hindi nababawasan ang ganda nya at ang tama ko sa kanya. Pati yong takbo ang puso ko ay bumibilis pagsya ang kasama, gising man o sa panaginip ko man.
"Hindi ito panaginip pati yong kaninang madaling araw" sabi nya saka sya yumakap, hindi ko naman nagawang yumakap pabalik sa kanya dahil sa hindi pa napoproseso ng puso at utak kong nandito sya.
Binigyan ko sya ng pagkakataon at oras magdesisyon, bakit sya nandito agad?
"Bat nandito ka?" tanong ko, kumalas sya saka ngumuso habang nakatingin sakin ng masama.
"Miss kita, ayaw mo?"
"Jennie, dba may usapan tayong magdedesisyon ka muna. Hahayaan natin ang isa't isang magkaroon ng oras"
Tumango sya "Nakapagdesisyon na ako. Ikaw ang piniliin ko at patuloy na pipiliin" nakangiti nyang sabi saka kiniss ako sa labi, saglit lang.
Huminga ako ng malalim "Hindi pwedeng ako ang piliin mo, hindi na ba kayo?"
"Wala na. Nung gabi pa nang makauwi tayo galing kila Wendy. Hindi nya naman matanggap yong rason ko kung bakit ako nakipagbreak, akala nya hindi ako seryoso at nagtatampo lang ako kaya nung sumunod ako sa Boracay ay akala nya para sa kanya yon pagpunta ko dun. Pumunta ako dun para sayo, gusto sana kita pigilan na sagutin ang pinsan nya kaso dumating ako na tapos na" kwento nya.
"Kaya hindi ko pa masabi sayo yong break up namin kasi hindi ko naclear sa kanya na seryoso ako, na dapat pa namin pag-usapan para klaro sa isa't isa nawala na talaga kami" pagpapatuloy nya, habang ako nakikinig lang at hinihintay sya matapos bago tuluyang maging masaya, baka kasi sa huling sentence na sasabihin nya ay may pangbawi at pananakit ulit.
Sinanay nya akong pasayahin pagkatapos papalitan din ito ng sakit kaya hindi mo na ako pwedeng magsaya ngayon hanggat hindi nya nasasabi lahat ng gusto nyang sabihin.
"Hindi ko masabi sayo pa na ikaw ang mahal ko, na napagtanto ko na boba ako ng umuoo akong tapusin ang 24hrs. challenge natin" ngumiti sya bago ipagpatuloy yong sinasabi nya, ako naman pinipili hindi mapangiti at kiligin sa mga sinasabi nya pero ang totoo nabubura na naman ng mga ngiti nya ang pangamba ko.
"na dapat tinotoo natin na lang yon. Boba ko na dun palang sa sakit na nabigay ng hiwalayan natin sakin hindi ko pa napagtanto na mahal kita higit pa sa pagkakaibigan. Na kaylangan ko pang mamiss ka araw araw dahil sa ramdam kong linalayo mo sarili mo sakin. Boba ako na pumayag na ligawan ako at sagutin ko si Jerome, oo, gusto ko sya pero ikaw ang mahal ko, noon hindi ko..." tumigil sya saka ngumiti pinipigilan ang emosyon nya at ang pagtatangka ng mga luha nyang lumabas sa mga mata nya "pa alam pero habang tumatagal na wala kang paramdaman sakin lalo akong nasasaktan, lalo kitang namiss kaya naman nung nakaroon ng pagkakataon na magkita tayo sa hospital ni El, gumawa ako ng paraan para hindi na ulit yon ang huli nating pagkikita. Gumawa ako ng paraan para magtuloy tuloy yong muli nating pagsasama. Sumabay ako kila V dahil sa gusto kita makita at makasama" humihikbi na sya kaya ko sya yinakap.

BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...