~Jisoo
Lumipas ang isang taon ng pagkakaibigan namin, hindi man kami lagi nagkakasama dahil sa pareho busy sa kanya kanyang pag-aaral lalo na nung pumasok ang new school year at graduating kami hindi pa rin nawala ang komunikasyon.
Hindi din lingid sa kaalaman ko na may bf na syang bago ngayon. Ilang buwan na ang nakalipas ng sagutin nya ito. Bago nya sagutin ito ay pinakita muna nya sakin ito at tinanong ako kung pupwede ba? Sabi ko naman basta masaya sya bakit hindi. Mahigit sa isang taon na naman silang nagbreak ng ex nya kaya ok naman na atang magkajowa sya.
"Jisoo? Mamaya ah? Text ko sayo kung san ang jamming. Sama ka ah? lagi kany hindi pwede eh" sabi naman ni Aga sakin. Nagkayayaan ang mga magkakaklase na magsaya bago dumating ang exam week sa susunod na lingo kaya ganun yon. Tumango naman ako, wala naman akong raket ngayon eh kaya pagbigyan, minsan lang naman.
***
"Jisoo? Bat ka nandito?" tanong naman sakin ng gulat din si Cole ng makita ko sa bar ng papasok ako.
"May jamming kami ng mga kaklase ko. Kayo?"
"As usual" nakangiti nyang sabi "Hindi lang sumama si V at may gagawin daw. Tignan mo si Jennie" sabi nya saka may tinuro agad bumungad sakin ang magandang dilag na nasa may 'the bar' kung tawagin kung nasa yon mga alak na sinaserve ng bartender. Hindi ko akalain nandun din sya dahil sa hindi nya sinabing o pinaalam sakin na iinom nya. Hindi nya naman obligasyon ipaalam sakin lahat pero yon ang ginagawa nya eh. Ngayon lang sya hindi nagsabi, siguro nahiya.
"Heart broken na naman" dagdag nya kaya napatingin ako.
"Agad? Ilang buwan palang ba sila nun?"
Napakibit balikat namang si Cole, "Lapitan ko muna" sabi ko kaya tumango naman sya
Halatang alak lang talaga ang pinunta nya dito sa lugar na ito dahil sa doon lang sya nakatuon, inom lang sya ng inom kahit may kumakausap sa kanya mga lalake yong nauna di nya ito pinansin yong pangalawa naman ay in-english-an nya lang na palatandaan na nauubos n pasensya nya sa mga epal na lalakeng lumalapit sa kanya. Isa kasi sa palatandaan na galit na sya o nasagad mo na ang pasensya nya pagnag-e'english na sya kaya naman hanggat sa maari ay hindi ko talaga unuubos pasensya nya dahil sa mas masaya syang makitang nakangiti at hindi ko kayang sabayan ang pageenglish nya. Nakakadugo ng ilong at nakakasabog ng ulo.
Lumapit naman agad ako ng may makita pa akong isang lalakeng papalapit sa kanya, umupo ako sa tabi nya.
"Same old story?" nakangiti kong sabi. Nung una parang ayaw nya akong pansinin, hindi nya ako tinignan at tinaas lang yon kamay nya at yinawagwag na para sinasabing umalis ako pero saglit lang at tumingin din sya sakin saka ngumiti.
"I knew it. Boses mo yan" nakangiti ang singkit nya ng mata at halatang lasing na saka bumuntong hininga sya saka ngumuso "I'm single again" sabi nya saka nawala ang ngiti nya na ginawad sakin kanina para maitago ang totoong nararamdaman nya saka yumuko at nakatingin lang sa kamay nyang hawak hawak ang baso ng alak.
"Kaylangan ko na atang magshift ng course o pagkagraduate ko hindi ko na ipagpapatuloy yong pangarap kong maging lisensyadong Psychologist/Psychiatrist" sabi ko na kinagulat nya at napatingin sya sa gawi ko.
BS Psychology ang kinuha kong course dahil sa gusto ko talagang maging kung hindi man Psychiatrist ay Psychologist. Pagkagraduate ko mag aaral ulit ako kung kaya ko pa at budget na ituloy kahit ano dun sa dalawa.
Ngumiti ako habang sya nakakunot noo.
"Bakit?? May problema ba?"nag aalala nyang sabi "kung kaylan isang taon na lang magshishift ka?"

BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...