~3rd person"Kakabreak ko lang po mom. Hahanapin ko na po si dad" sagot ni Jennie sa kabilang linya habang naglalakad at hinahagilap ng kanyang mga mata ang kayang daddy.
"baka hindi mo naman binabantayang dad mo ah. Pumasok ka dyan para bantayan mo sya diba? Baka nagpapagod na naman ng sobra yan" sagot sa kanya ng mom nya
"Mom, pumasok din ako dito bilang nurse. Hindi lang para bantayan si dad. Kinicheck ko naman sya from time to time. Minsan nga pinaalis nya agad ako pagnakikita nya ako dahil sa may trabaho din daw ako. Hindi nya daw ako personal nurse at hindi din daw sya pasyente dito kundi doctor"
"Hai, ang tigas talaga ng ulo ng daddy mong yan. Dyan kayo ng mana ng kapatid mo eh"
Napapailing nalang si Jennie dahil sa sermon ng mommy nila para sa daddy nila. Magmula na magtrabaho sya sa hospital ay lagi na syang tinatawagan ng mom nya, hindi nya alam kung matutuwa ba sya dahil sa madalas nya na itong kausapan di tulad ng dati o kung sasakit ang ulo nya dahil sa tumatawag lang ito para icheck ang dad nya dahil sa hindi sinagot ng dad nya ang tawag ng mom nya kaya sya na lang ang lagi nitong tinatawagan.
Pati naman sya at ang kapatid nya ay nag-aalala sa dad nila dahil sa nahimay ito sa oras ng trabaho nung nakaraan at dahil sa may kaedaran na yan nag-aalala sila na kung mas papagurin nito ang sarili nya ay maulit pa ito o mas malala pa yong mangyari sa dad nya, ngunit likas na masipag ang dad nila kaya naman ay chinecheck nya ito kung nasusubrahan na sa trabaho. Lagi din nilang pinapaalalahanan ito na pahinga hinga din lalo na ang mom nya kaya siguro ay hindi na nito sinasagot ang tawag mula sa mom nila dahil sa alam nitong dadadaan na naman sya nito.
"Mom, kita ko na sya" sabi ni Jennie sa kabilang linya habang ang tingin ay nasa hindi kalayuan kung nasaan ang dad nyang may nginingitian at kinawayan.
"oh?!" gulat nyang dagdag ng mamukhaan nya ang kinakawayan ng dad nya.
"Why?" nagtatakang tanong ng nasa kabila.
Parang hindi nya naman narinig ang nasa kabilang linya dahil ang atensyon nya ay nasa babaeng kaharap ngayon ng dad nya.
"Gorgeous as always" nakangiti nyang sabi saka naglakad papalapit kila dad nya.
"huh?" mas naguguluhang tanong ng nasa kabilanh linya "Jennie? Still there?"
"Yeah,mom. Mamaya na lang ok? Palapit na ako sa kanila. Bye" sabi nya saka binaba yong cp na hindi pa hinihintay ang sagot ng mom nya.
"Wait, I want to-" naputol naman ang sinasabi ng mom nya ng mag totot na ang cp nito "Hai, batang ito. Sino kaya yong gorgeous? May kausapan kaya ang dad nyang magandang babae?" Tinawagan nya ulit si Jennie pero hindi na ito sumasagot.
Hindi nya alam ay malawak na ang ngiti nito sa labi habang papalapit ng papalapit sa kung nasa ang dad nya at ang mga kausapan nito. Hindi sya nito nahalata hanggang makalapit na sila.
"Dad!" tawag nya kaya naman napalingon ang dad nya kasabay ng kausapan nitong sila El at Jisoo.
Napangiti naman agad si Jisoo ang makita sya nito. Pareho silang nagnanais na salubungin ang isa't isa ng yakap subalit nandun ang binasted at boss ni Jisoo at ang dad nya kaya matamis lang na ngiti ang naibigay nila sa isa't isa.
"Oh, Jen. Tapos na ba yong trabaho mo?" Tanong ng dad nya.
"Opo dad. Hi!" masaya nyang bati kila El at Jisoo.
Bumati din naman ito ng pabalik saka dun sinabi ng dad nya ang plano na patrabahuhin sila EL at Jisoo sa hospital na ito kaya naman nagtakang tumingin si Jennie kay Jisoo. Gusto nyang itanong kung bakit hindi sa kanya ipinaalam ito ni Jisoo pero nginitian lang sya nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/220705725-288-k421047.jpg)
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...