~Jennie
"Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Jisoo sakin nang makita akong nakatayo sa may kotse ko sa labas ng BH nya, kakaparada nya lang din ng kotse nya. Medyo nauna ako dahil sa hinatid nya pa sila Wendy kung saan ito nakatira. Sabay sabay kaming umuwi dito sa Manila pero parang hindi din kami magkasama dahil sa magkatabi nga kami sa kotse pero katabi din namin yong mag-ina at yon ang inalagaan nya sa byahe.
Nagpapalit palitan sila sa pag-aalaga kay Celine, minsan kahit na kay Wendy ito ay si Jisoo naman ang nakayakap sa tulog na si Wendy para hindi magalaw sa bahay hindi ito magising.
Sa totoo lang buong byahe naghintay ako na ako naman ang alalahanin nya pero parang buong byahe nasa mag-ina ang atensyon nya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos dati rati ako yong kaibigan nya na inaalagaan. Na halos walang minutong hindi nya tinatanong kung ok ako pagnasa byahe kami pero ngayon hindi. Alam ko naman na nakaranas ng depression si Wendy pero ok na naman sya, dba?
Ako muna ang hinatid ng driver sa bahay, habang si Jisoo ay sumama kila Wendy dahil sa kanyang kotse ang minamaneho ng driver kaya naman ngayon ay sya na nagdrive pauwi. Nandito ako dahil sa namiss ko sya, oo kakahiwalay pa lang namin pero hindi ko naman nasulit yong byahe kasama sya dahil sa parang wala naman ako sa tabi nya buong byahe. Minsan tumitingin sya pero hindi sapat yon para makabawi sa mga araw na inabot ng ilang buwan na hindi kami nagkasama, nagkachat. Hindi sapat yon para mabawi ang pagkamiss na tiniis ko na hindi sya nagpaparamdam.
Kung ako lang araw araw ako magpaparamdam sa kanya pero hindi ko alam nung mga nakaraan buwan parang may nag-iba o baka busy lang talaga sya. Sa lahat ng chat ko at reply nya ramdam ko na parang hindi na kami tulad ng dati. Gusto ko syang makausap ng mahaba pero hindi naman sya pwede, magkakachat kami ng kunti pero mamaya magpapaalam na sya dahil busy sya.
Alam ko naman na nagtatrabaho na sya kaya nagiging busy sya pero parang may iba eh, lalo na yong mga reply nya ay parang pabalang na. Isa sa mga chat nya ang tumatak sakin at nakaramdam ako ng sakit dahil sa parang pinapamigay na nya ako, na para bang ok lang na hindi na ako magkatime sa kanya, nun hindi pa kami ni King nangyari ito pero alam nyang nangliligaw na sya.
"Jissooo, I miss you" chat ko sa kanya
" I miss you too, san ka?"
"Dito, kumakain kasama ni Jerome at pamilya nya"
"then focus on him not on me. haha Cge busy ako" chat nya kaya hindi na ako nagreply sa kanya, pero ilang minuto lang ay nagchat ulit.
"Kayo na ba?" tanong nya.
"Hindi. Nagyaya lang magulang nya kaya sumama ako" chat ko.
"Ah, bat kasi pinapatagal mo pa? Sagutin mo na kung sasagutin mo"
"hmn, ok lang ba?"
"Oo naman, tulad ng sinabi ko sayo, paggusto mo ok lang sakin"
Napaisip ako dahil sa chat nya. Hindi naman talaga mahirap hangaan si Jerome pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sya masagot pa.
"Sige na, wag ka ng magreply sakin para sa kanya ang buong atensyon mo. Ingat pag uwi" chat nya kaya kahit gusto ko pa syang kachat ay hindi ko na sya inabala.
Gusto nyang ibigay ang atensyon ko sa iba habang ako gusto ko ang atensyon nya, hindi naman pwede dahil sa busy sya.
Hindi lang iyon ang huli kong chat sa kanya nasundan pa ng madami pero tulad ng laging nangyayari, hindi na tulad ng dating inaabot ng ilang oras ang pag-uusap namin sa telepono lagi kung hindi sya busy, nagpapaalam na matulog hiniyaan ko na hanggang sa isang araw na ay parang napagod ako o naisip ko na baka nagsasawa na sya sa pagiging clingy kong kaibigan. Isa araw tinanong ko sya kung nakakaistorbo na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...