~Jennie
Papunta kami sa isang restaurant para kitain ang kakilala ni daddy na doctor.
Doctor din si daddy at may-ari ang isang hospital sa Davao kaya kadalasan ay wala sya dito sa Manila. Doon talaga ako lumaki at nag-aral lang dito sa Manila nung naghighschool na. Sa hospital din ako nakuha ni dad, nung 5 years old palang ako ay nagkaroon ng sunog sa bahay namin at ang totoo ko daw na tatay at nanay ay namatay dahil dun.
Dahil sa bata pa ako at wala daw na kahit sinong kamag-anak na naghanap sakin ay kinupkop ako ng dad. Mag-asawa na sila nun ng mom pero nung mga panahon na yon ay hiwalay sila dahil sa nag-away sila dahil sa pagiging selosa ng mom.
Umalis si mom at nung bumalik sya para makipagbalikan kay dad ay nakita nya na ako kaya naman nag-away ulit sila at inakala nyang anak ako sa iba ng dad, na tama ang mga iniisip nya dati na may babae ang dad, kung saan hindi naman yon totoo dahil sa may picture ako ng totoo kong magulang nakasama ako. Pero kahit ganun at kahit anong paliwanag ni dad o ilang taon na naman ang nakalipas ay parang hindi pa naniniwala si mom na ampon ako at parang hindi nya pa rin ako tanggap o ako lang talaga nag-iisip non. Basta hindi kami close ng mom ko.
"Ate kaibigan mo pala si baby Ji?" sabi naman ni Daphney nung nasa kotse na kami kaya napatingin ako sa kanya. Si dad ang nagdadrive, nasa parking lot lang sya kanina nung sunduin ako nila mom eh kaya hindi sya nakita ni Jisoo.
"Baby Ji?"
"Oo. Kaibigan mo nga?"
"Oo, pano mo naman sya nakilala at bakit may pababy?" nakataas kong kilay nasabi. Nasa likod kaming upuan habang si mom nasa shotgun seat.
"Sya yong nangharana sayo diba?" sabi nya kaya naman napatingin agad si mom samin
"Nang harana? Nangliligaw ba yon sayo?" tanong naman agad ni mom.
"Hindi. Yong haranang ginawa ni Clark. Sya yong binayaran para kantahan ako" pagpapaliwanag ko naman kaya nakabalik sa unahan ang tingin ni mom habang si dad nahagip ng tingin ko na may pagtingin din mula sa salamin.
Tinignan ko naman si Daph dahil sa bakit alam nyang si Jisoo ang kumanta. Eh ang nakwento ko lang sa kanya yong may kumanta sakin pero hindi ko tinuro si Jisoo.
"kilala ko sya kasi ex sya ng ate ng bestfreind kong si Reina. Lagi kaya syang kasama ng ate ni Rei pagsusunduin sya sa school namin. Kaya baby dahil yon ang tawagan nya at ng ate ni Rei. Sayang nga bagay pa naman yong dalawa" sabi naman ng kapatid ko na parang nalungkot nung maalalang wala na sila Jisoo at ng ex nya.
Tsk! Mas maganda naman di hamak yon jowa niya ngayon kaysa dun sa ex. Mas matangkad yong ex pero mas maganda yon ngayon talaga. Pagmamayabang ng utak ko kahit isang beses ko palang yong nakitang ex nya na nung tinuro sakin dati ni Sunny. Mas bata sya samin, alam ko.
"May video nga yong ate ni Rei nung kumakanta si baby Ji sayo. Vinedeo talaga ng ate nya yon dahil sa crush na talaga sya nito dati pa hindi lang alam ni baby Ji" patuloy na sabi ni Daph.
"Teka, teka girls" sabat na naman ni mom "Kanina pa ako napapaisip, may ex gf yon si Jisoo, ibig sabihin tibo yon?"
"Malamang naman mom" pabalang naman sabi ni Daph kaya tinignan sya ng masama ni mom "O maaring bisexual sya" patuloy pa rin na parang hindi nababahala sa tingin ni mom.
"Alam mo naman palang tibo yon, Jennie. Bat sumasama sama ka dun?" sabi naman ni mom na hindi na lang pinansin yong kapatid ko at sakin binaling ang tingin pero bago pa ako makasagot ay sumagot na naman si Daph.
"Ano naman masama dun mom? 20th century na tayo don't tell me against ka parin sa kanila?" sabi nya na parang kabarkada lang ang kausap kaya tinignan naman sya ng masama ni mom.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...