Chapter 4

56 0 0
                                        

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ok na kayo ni Jen" sabi ni Sunny pagkasakay ng kotse ska ko pinaandar ito. May practice ulit kami at pagkatapos ay nakiusap syang ihatid ko sya sa jowa nya. Hindi ata nila nasulit yong Anniv. Celeb. Nila kahapon kaya may continuation ngayon.

"Ayaw mo atang maging ok kami ah" nakangiti kong sabi habang nasa daan ang tingin.

"Anong ayaw? Gustong gusto ko kaya. Pagpatuloy mo ang pagkakaibigan na yan" sabi nya "Sa tingin ko nga nakakatulong sa kanya alam mo bang nabwasan na ang pagdadrama nya about sa ex nya after nung gabing hinatid mo sya?" dagdag nya pa, ngumiti na lang ako.

Maigi naman kung ganun.

"O baka sayo na sya nag-oopen at nagdadrama kaya nabawasan dama nya sakin? Kung ganun nga, wag kang mainis o marindi sa paulit ulit nyang dama ah? Pakiusap, subra syang nasaktan dahil sa paghihiwalay nila ng mokong na yon kaylangan nya ng taong makikinig sa kanya"

Tumango na lang ako. Sa totoo lang hindi naman na syang dumama pagkatapos ng gabing iyon. Hindi din kami nagtext/nagchat sa isa't isa after kahapon. Wala naman syang masyadong dinama sakin.

"Salamat" sabi naman ni Sunny sakin nung makarating sya sa lugar kung nasan ang jowa nya, bumaba na sya kaya nagpaalam na ako.

Chineck ko muna yon cp ko bago paandarin ang sasakyan dahil sa tumunog ito kanina at hindi ko tinignan dahil sa nagmamaneho ako. May text si V "Anong gawa mo? Kain ka muna dito. May linuto kami ni Cole ditong adobo" nakangiti kong pinaandar yon sasakyan pauwi.

Libre na naman, ayos!

Pagkapasok ko sa BH nila ay naabutan ko ang mga kaibigan nila na nakaupo habang may alak sa mesa. Hai, bat hindi ko naisip na may inuman na naman sila dito? Dapat sanay na ako ah.

Binate naman ako ng mga lalake nilang kaibigan kaya tumango na lang ako saka dumiretso sa kusina kung nasan yong dalawa.

"Inom na naman. Wala talagang pahinga?" sabi ko.

"Meron naman ah. Dalawang araw" nakangiting sagot ni Cole saka pinaupo ako at tinapik ang balikat bago pumunta sa mga kaibigan sa may sala.

"Kain na" sabi naman ni V, na naglatag na ng pinggan sa harap ko.

"Wag na. Baka nag ambagan kayo dyan" sabi ko.

"Hindi. Sagot ni Cole ang pulutan kaya wag ng madaming dada pa. Kain na" sabi ni V, kaya ngumiti ako saka nagsandok na ng pagkain. Pero napatingin ako sa pinto ng cr na katabi ng kusina ng makita kong magbukas yon, at lumabas si Jennie. Nginitian nya naman agad ako kaya ganun din ang ginawa ko.

"Kain?" alok ko sa kanya, habang si V ay pumunta na sa inuman.

"Tapos na" sabi nya saka umupo sa isa pang upuan na katabi ko.

"Yong isa pang babaeng kasama nyo uminom ng birthday ni Cole?" tanong ko sa kanya saka sumubo ng pagkain.

Nagkibit balikat lang sya, tinignan ko naman sya kung may tama na, medyo kasi namumula sya. Baka kasi galing sya sa cr dahil sa sumuka na, pero mukhang hindi pa naman. Baka kakasimula palang nilang uminom at blush on lang yong sa mukha nya?

Pero iinom lang nakablush on? Baka sa init?

"Hindi sya pupunta ngayon?" tanong ko ulit.

"Crush mo si Tilda noh?" sabi nya kaya napatingin ako.

"Hindi, natanong ko lang eh"

"Kanina mo pa kasi tinatanong" tanong nya.

"Eh, hindi mo naman nasagot eh kaya tinanong ko ulit" sagot ko, gusto ko lang naman malaman kung susunod yon o sya lang talaga ang babae ngayong iinom kasama nila V.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon