Wendy

49 4 0
                                    


Nakatulog si Wendy dahil sa pag-iyak kanina dahil sa naalala nya na naman yong bf nya habang nag uusap kami about sa pag-amin ko kay Jennie. Hindi ko maiwasan maibalik ang sa alala ko ang una naming pagkikita at mga pinagdaanan ko bago nya ako pagkatiwalaan.

Flashback....

Nung dinala sya hospital dati halatang halatang ayaw nya dun at sinasabi nyang hindi sya baliw kaya hindi na kaylangan. Pero hindi lang naman ang lugar na iyon para sa mga baliw kundi para sa mga taong kaylangan ng tulong sa mga nagpapagulo sa kanilang pag-iisip.

Kahit sinong doctor dun ay sinubukan na syang pagpasalitain pero walang nakagawa, ilang araw na sila ng magulang nya pabalik balik sa hospital na pinagtatrabahuhan ko wala paring pagbabago sya, hanggang isang araw nakita ko syang mag-isa sa labas kaya nilapitan ko sya.

Nag-open ako sa kanya na broken hearted din ako. Kahit hindi man pareho ang sitwasyon namin dahil mas masakit talaga ang mawala, as in literal, na wala na ang mahal nya sa buhay, na patay na ito. Pinagpatuloy ko parin ang pagkukwento ko sa kanya ng nararamdaman kong sakit dahil sa pag-ibig. Hindi ko alam pero sa kanya ko lang nasabi yong lahat ng sakit na naramdaman ko. Siguro dahil sa naiisip ko na baka makatulong ito sa kanya na malaman na hindi lang sya ang tao sa mundong nasasaktan dahil sa pagmamahal o dahil sa hindi ko na talagang kaya isarili lang ang sakit na nararamdaman ko at kaylangan kong ilabas kahit sa taong hindi ko kilala at hindi kumikibo. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ko nung mga panahon na iyon dahil sa nag-open ako sa kanya ng mga bagay bagay na kahit kila V ay hindi ko nagawa.

Pagkatapos kong ikwento yon wala syang sinabi at nakatulala lang sa malayo pero ilang minuto lang ay nakita ko ang mga luha nya nagmumula sa mata at umaagos sa kanyang mga pisngi. Umiiyak sya pero walang ingay, yong nakatulala lang sya habang umiiyak. Kahit wala akong natanggap na sagot sa mga sinabi ko ay pinagpatuloy ko ang pagkausap sa kanya, hanggang sa naipasok ko na sa sinabi ko ang anak nya na kung magpapatuloy syang ganun, na magpapadaig sa lungkot at sa pagkawala ng bf nya ay mapapabayaan nya ang anak nila. Na hindi pwedeng nawala na ang tatay nito, ang nanay nya naman ay hindi sya mabantayan dahil sa sitwasyon nito.

"Kaylangan mong lumaban para mabuhay at mabuhay din ang anak mo. Isa ako sa nakaranas na lumaki ng walang sa piling ng totoo kong nanay at tatay dahil sa namatay sila sa mura kong edad. Hindi madali at subrang sakit. Na araw araw gigising ako na alam kung may kulang sa buhay ko dahil yong nagbigay buhay sakin ay hindi ko na kapiling. Gusto mo rin bang maranasan ito ang anak mo?" sagot ko sa kanya noong mga panahon na yon

"Atleast itry mong maging ina sa kanya. Kaysa sa ngayon pinapabayaan mo na sya. Hindi ka naman mag-iisa sa pagpapalaki sa kanya dahil nandyan ang mga magulang mo. Hindi lang ang bf ang nagmamahal sayo kundi ang mga magulang mo. Kaya mo silang iwan at saktan para makasama si bf? Ang mga magulang mong mula ng pinanganak ka hanggang ngayon na nandyan para mahalin at suportahan ka. Kaya mong ipasa sa kanila ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon para lang hindi ka na masaktan? Subukan mo ulit. Mabuhay ka para sa mga taong nagmamahal sayo kung hindi mo na kayang mabuhay para sa sarili mo" sabi ko naman na pati ako parang gusto ko ng umiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

Kahit ako nakakaramdam akong gusto ko na lang pumikit at hindi na dumilat para hindi na madama ng sakit pero ang unang pumapasok sa isip ko ay sila V, ang pamilyang kumupkop sakin at ang pamilyang lubos na masasaktan pagnawala ako. Hindi pwedeng sa lahat ng sakripisyo nila sakin ay ang igaganti ko ay sakit ng pagkawala ko. Hindi ko pa nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin para makabawi sa lahat ng pagmamahal at tulong na ginawa nila kaya kahit sa mga panahon yon ay gusto ko na din mamatay hindi ko ginawa dahil sa hindi pa oras. May mga bagay pang dapat akong gawin bago mawala sa mundong ito.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon