GabrielPOV;
"Sir,pumunta po kayo dito si ms.Chavez po kasi natumba bigla dahil sumakit daw po ang binti,hindi naman po namin madala sa office nya kasi nga po mainit ang ulo"
nakatanggap ako ng tawag mula sa isang staff ng kompanya ni harisson,alam ko namang galit din yun sakin dahil sa ginawa ko e pero kailangan ko syang puntahan .
Dali dali kong pinaandar ang kotse at pumunta sa kompanya,ipinark ko agad ang kotse ko at tumakbo papasok sa loob hanggang sa makita ko nga si harisson na nakaupo sa isang upuan at hinihilot ang mga binti
'Harisson!"tawag ko
Isang nakakatakot na tingin ang ibinigay nya sakin
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya
"Obvious ba?" Medyo naiinis kong sagot
"Akin na ang bag mo,iuuwi na kita"sabi ko nalang at binuhat na sya
Naaawa ako sa kanya tuwing nakikita ko sya sa ganitong kalagayan,pakiramdam ko wala akong kwentang Kuya para sa kanya.
" di ka ba uminom ng gamot?ang tigas naman kasi ng ulo mo,alam mo namang recommended yun ng mga doctor sayo diba?Hindi ka talaga marunong makinig"sermon ko sa kanya habang nag dadrive
"Tsk.nakalimutan ko lang" sagot nya
"Ano ?palagi mo nalang nakakalimutan?akala mo ba di ko alam na hindi ito ang unang beses na nalaman kong nangyare ?huh?saad ko sa kanya na may pagka inis sa tono
Nakarating na kami sa bahay at ako na mismo ang kumuha ng gamot nya ,nagluto rin ako para sa hapunan.
" uminom ka ng gamot,kainin mo din 'to para pagkatapos magpahinga kana"sabi ko sa kanya
"Tsk ,alam ko ang gagawin ko,wag mo na akong turuan" may inis sa tono nya
Natahimik ako sandali ..
"Sorry" saad ko
Tumingin sya sakin at hindi sumagot agad
"Ayos lang" tugon nya lang at ngumiti
Napangiti rin ako at hinawakan sya sa kamay
"Promise I will be a good kuya...simula ...bukas pwede?" Pagbibiro ko
"Sige " natatawa nyang sagot
"Salamat" seryoso nyang sabi
Natahimik ako at tiningnan sya ,she's crying?
"I'm lucky to have you kuya,kahit medyo masama ugali mo " sabi nya habang umiiyak
"Stop crying.." Tugon ko nalang at niyakap sya, feeling ko nga Hindi ako naging mabuti sa kanya,pakiramdam ko lagi ko nalang syang nasasaktan .siguro this time kailangan ko nang magbago.para sa kanya.para sa kapatid ko.