MatthewPOV;
"Mom!how can you do this ?sumunod na ako sa gusto mo?paano mo pa 'to naggawa?"
Agad kong isinalubong kay mom ang galit kong mukha ,alam kong sya lang ang makakagawa nito Kay harisson,
"What are you talking about?" Taka nyang tanong
"Hindi pa ba sapat na nandito na ako at pumapayag ng maikasal sa babaeng yun?bakit kailangan mo pang ipakidnapp ang babaeng mahal ko ,iniwan ko na sya mom ,sinaktan ko na sya para lang masunod ang gusto mo" pigil kong pag iyak habang sinasabi sa kanya iyon
Isang sampal ulit ang natanggap ko mula sa kanya
"I don't know what are you talking about,at wala akong pinakidnapp na kung sino man!" Bakas ang galit nya sa mukha bago ako tinalikuran
"Babalik ako sa pilipinas,sa ayaw at sa gusto mo!" Mariin kong tugon sa kanya
"NO! " nanggagalaiti nyang sigaw
"Wala ka nang magagawa,buo na ang pasya ko,itakwil mo na ako kung gusto mo pero babalikan ko ang taong mahal ko!" sabi ko at umalis ng bahay para ayusin ang papeles para makabalik na agad sa pilipinas.
"Matthew!" Rinig ko Kay mom
Pero wala naman talaga syang magagawa.sana noon pa ako nag pasya e di sana Hindi ko ulit nasaktan ang nag iisang babae sa buhay ko.
HarissonPOV:
May 17 19**
Wednesday"Sasama ka sa amin kung ayaw mong mamatay"
Tatlong lalaki ang lumapit sa akin at pasimple akong tinutukan ng kutsilyo sa tagiliran,ano to?
"Teka sandali,anong atraso ko sa inyo?" taranta kong tanong
"Malaki! Pagtago ng tunay na nararamdaman.hindi pakikipaglaban sa taong mahal.walang ginawa kundi pabayaan ang isang tao.Hindi nagpakatotoo."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa sinabi nung isa
"A-ano to?sawi?" Natatawa kong tanong habang itinuturo sya
"Ipasok na yan sa van,bilis"
Kinaladkad nila ako papasok ng van,Hindi ko naggawang sumigaw dahil siguradong mabubutas ang tagiliran ko,
"Ano bang kailangan nyo?pera?ibibigay ko 'wag nyo lang akong sasaktan " sabi ko habang pinipiringan ako
"Wala kaming pakialam sa pera mo,utos lang 'to sa amin" sagotnung isa
"Sino bang nag utos sa inyo?ha?" Pagmamatigas ko
"Patulugin nyo nga yan,masakit sa tenga "
Yun nalang ang huli kong narinig hanggang sa mawalan na ako ng malay.
