33

180 8 0
                                    

MatthewPOV:

Habang sa byahe hindi ko maiwasang hindi mapakali kaya ng makalapag na ang eroplanong sinakyan ko agad akong sumakay ng taxi at tinawagan si leo .

"Anong nangyare?" Nag aalala kong tanong

"Ang alam lang namin nawawala sya 3days na" Leo

"B-bakit?paano?" Hindi ko maintindihang tanong

"Relax ng pre,nasa maayos naman syang kalagayan" saad ni juhan habang kumakain

"Relax?isa pa Hindi natin alam kung nasaan sya,kung okey lang ba sya!" Naiinis sa sarili kong sabi

"Wag ka mag alala tutulungan ka namin para mahanap sya" Ethan

Ang weird nila.hindi dahil tutulungan nila ako kundi dahil parang wala silang pakialam sa nararamdaman ko ngayon,they don't even ask me kung maayos lang ba ako nung makarating na ako dito sa bahay nina leo bagkus parang wala lang silang nakita kung Hindi pa ako nagsalita.

"Galit ba kayo sa'kin?" Diretso kong tanong

Tumingin sila sa akin ng sabay sabay tsaka bumalik sa dating ginagawa

"No?!" tumayo si Ethan

"Pero bakit kung umasta kayo parang wala ako dito?" Naiinis na ako sa pananalita

" pre,easy ka lang huh?k .bye" tumayo na din si juhan at nagsimula nang maglakad palabas ng bahay

Anong nangyayare?

"Anong nangyayare?"

Nagtataka kong tanong habang nakatingin kay Ethan pero...

"Sorry pre,pero kelangan ko tong gawin"

EthanPOV;

"Sorry pre,pero kelangan ko 'tong gawin "

Suminyas na ako kay leo na gawin na iyon ,kinalabit nya si matt para humarap ito sa kanya at sinuntok nya agad sa mukha

"Awwwshit!" Matt

Bago bumagsak sa sahig

"Nice!" Natatawa kong saad habang nakatingin sa bulagtang si matt

"Tawagan mo na sila para makuha sya dito" dugtong ko bago tuluyan na ding umalis

"Okey!" Pahabol na sagot ni Leo

Buti nalang eksakto ang pagdating ni matt kung hindi sasablay kami sa plano.na adjust kasi ng isang araw ang napag usapan dahil may importanteng gagawi ang nakausap naming mahalagang tao na magpapatunay sa aming plinano.

"Papunta na sila,maiiwan ako dito at susunod nalang bukas" sabi ko sa kausap ko na nasa kabilang linya, si tatay pedreng ang pinagkakatiwalaan ko sa probinsya.

HarissonPOV;

"Hello?may tao ba dyan?" Sigaw ako ng sigaw pero wala naman akong naririnig na iba kundi ako lang, mahangin at maaliwalas ang paligid kahit Hindi ko makita dahil sa piring ng mata ko

"Tulongggg!!!" Sigaw ko pero wala pa ring sumasagot ,isang araw na ako dito pero wala pa din akong naramdaman na ibang tao sa paligid.

0_0?!inilibing na ba ako ng buhay?

Pero Hindi naman e,kasi nararamdaman ko ang hangin!

"Ma'am pwede po wag kayong maingay?masakit po sa tenga ang boses nyo e" isang medyo may katandaan ang boses

Salamat at may tao naman pala akong kasama dito

"Pasensya?" Patanong kong sagot.so ako pa mag aadjust ganun ba?akala ko ba kidnapped to bakit di man lang nila ako kinakausap?

"Tsk!pasensya.tumigil ka nalang kung pwede?" Sabi nito

Tumahimik nalang ako,ano pa nga ba ang magagawa ko diba?ano ba naman kasi to?bakit ako pa ang Napili nilang mabiktima?jusko ayuko pang mamatay pangarap ko pang maikasal at magkapamilya !

Probinsyanang basagulera 2Where stories live. Discover now