MatthewPOV;
After a week sinimulan ko nang ihatid at sunduin sya sa trabaho,well okey lang naman sa kanya e
"Let's go?" bungad ko sa kanya at pinagbuksan sya ng pinto
"Hmm okey!" Tugon nya at pumasok
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagmamaneho
"Okey ka lang?" kunot noong tanong ni harisson
Nilingon ko nama sya ng nakangiti pa din
"Oo naman" sagot ko
"Ahhh.." Sya
Naihatid ko na sya sa opisina at umuwi na ako sa bahay ng madatnan ko ang tatlo ,dito nanaman sila?
"Ganda ng ngiti mo ah,na score kaba?" Saad ni leo
"Ngayon ka lang ngumiti ng ganyan pre,ehem*" medyo natatawang sabi din ni juhan
Napahinto naman ako ng magsalita si Ethan
"Pare,mukhang magkaka problema tayo" may pagkamalungkot nyang saad"palapit na ng palapit ang araw ng kasal mo pero ngayon unti unti na kayong bumabalik sa dati ni harisson"
Natamimi din ako ng marinig iyon at mapagtantong malapit na nga ang araw na 'yon.
"Kung ganun hindi ako magpapakasal" biglang sagot ko
"Ano?gusto mo bang itakwil ka ng mga magulang mo?" Leo
"Mas gugustuhin ko pa 'yon kesa magdusa habang buhay!"
Sabi ko
"Kung saan ka sasaya tutulungan ka namin" seryosong tumingin sa akin si ethan ,alam nya kung ano ang nararamdaman ko ,sya lang ang alam kong mas makakatulong sa akin dahil sya ang mas itinuturing kong kapatid.
"Sama na din ako!" Juhan
"Tss, sige para sa'yo!" tugon din ni leo
"Salamat!"nasabi ko nalang
HarissonPOV;
" hello?" tumawag sa akin si kuya, hindi ko alam kung bakit pero mukhang galit sya
"Totoo bang nandyan sa pinas si matt at nakikipag kita ka sa kanya
,Hindi ka pa talaga nadala nuh?iniwan ka na nya noon tapos magpapakatanga ka na naman ngayon? Uuwi ako dyan bukas na bukas din at isasama kita pag uwi ko sa Germany para ma ilayo sa kanya"Bakas sa boses ni Kuya ang pagkadismaya sa akin at galit Kay matt,pero Hindi ko naman sya masisisi siguro gusto nya lang akong protektahan pero Hindi naman yata tamang ilayo nya ako,ngayon pa't alam kung Hindi na ako iiwan ni matt at isa pa hanggang kaibigan lang muna kami ngayon hanggat Hindi pa ako nakakasigurado sa kanya.
"P-pero kuya!kaya ko na ang sarili ko Hindi mo na kailangan pang bumalik dito para maisama ako sa pag uwi mo sa Germany,isa pa magkaibigan lang kami ni matt at pinapangako ko sa'yong Hindi nya na ako masasaktan ulit sakaling bumalik na kami sa dati" sagot ko sa kanya
"Hindi.babalik ako at kukunin kita dyan.maliwanag?" Saad nya
Hindi ko maiwasang mainis sa kanya Hindi nya na kayang pagkatiwalaan ako?
"K-kuya---
" wala kang alam, harisson at 'wag ka nang umasa dahil hindi na kayo mababalik sa dati." Pagputol nya sa akin at tuluyan ng ibinaba ang telepono
Ano bang nangyayare sa kanya?ayaw nya ba akong sumaya?