11

218 12 0
                                        

MatthewPOV;

"Si harisson ba 'to?" Napaupo ako habang binabasa ang dyaryo,totoo nga pala ang balita tungkol sa kanya,isa sya sa pinaka mahusay na negosyante dito sa bansa

"Ano yan?" Biglang tanong ....ni juhan

Tss nandito nanaman sila?

"Anong ginagawa nyo rito?" Saad ko sa kanila

"Hmmm tatambay?" Leo

"Uyyy si harisson to ah!ehem mukhang----"

Pinutol ko sa pagsasalita si juhan at hinampas ng hawak kong dyaryo

"Sya nga pala pre,balita namin malaki na ang pinagbago nya" Leo

"Oo nga e,marami nang nagbago sa kanya " mahinang saad ni Ethan

Lumingon kami sa kanya at tiningnan sya ng parang naguguluhan

"Aha!oo nga diba close pa sila?" Ngisi ngising sabi ni juhan

"Sinabi mo na ba na nandito na si matt?" Tanong ni leo

Tumango lang sya para sumagot

"Eh ...ano namang reaksyon nya?" curious na tanong ni juhan

"..w-wala!"

Natahimik kami at Parang may anghel na dumaan sa sobrang payapa at tahimik ng paligid,pakiramdam ko din binagsakan ako ng langit sa narinig ko.

Wala na ba talagang pag asa?Hindi ko na ba pwedeng ibalik ang dati?

EthanPOV;

Tumahimik ang lahat ng sagutin ko ang tanong ni juhan ,lalo na si matt parang binagsakan sya ng kung ano sa reaksyon nyang nakita ko.

"Pumunta kaya tayo sa probinsya ...para magbakasyon?" Suhisyon ni juhan na nagpabalik sa amin da pag iingay

"Tama!galing mo ju!" Isang malakas na tapik ni leo ang natanggap ni juhan kaya nagsimula na sila

"Araaay!" Angal ni juhan at gumanti

"Tigilan nyo na nga yan!" Isang malamig na tono ang binigay ni matt bago umalis. Apektado talaga sya hanggang ngayon.

Sa tingin ko gusto nyang balikan at itama ang nakaraan.pero paano nya gagawin yun kung wala nang pakialam sa kanya ang babaeng gusto nya at isa pa ngayon na ikakasal na sya.

Probinsyanang basagulera 2Where stories live. Discover now