13

197 11 0
                                    

HarissonPOV;
Nadatnan ko na nakaupo si papa sa sofa habang may mga papel sa harap nya na tinitingnan nya isa isa.

"Pa!kumusta ?Hindi nyo ba kasama si mama?"

Agad kong niyakap si papa habang nagtatanong

"Ang mama mo?ayaw sumama e" sagot nya

"E hanggang kailan naman kayo dito sa pinas?" Tanong ko habang binubuksan ang dala nyang pasalubong

"Ahh bukas babalik na din ako,may inayos lang ako dito ." tugon nya

Bilis naman?kararating nya lang ngayon tapos babalik na sya bukas?

"Hoy!akin yan!" Sigaw ni Kuya at nagmamadaling tumakbo at hinablot ang hawak kong box

Napakunot ang noo ko at hinanap ang box na para sa'kin

"E nasaan yung para saakin?" Tanong ko

"Ahh pasensya na pero naiwan yata ,sa Kuya mo lang ang nadala ko 'wag ka mag alala pagbalik ko siguradong madadala ko na"

Nakita ko ang mapang asar na tingin ni Kuya,tss tsaka kelan naman sya babalik?sa susunod na buwan?aytss

"Kumusta naman ang negosyo?" Seryosong tanong ni papa

"Maayos naman po" sagot ko

"Oo nga pala harisson,sasama ako kay papa bukas pabalik sa london " saad naman ni kuya

"Ano namang gagawin mo dun?" Tanong ko

"Wala magbabakasyon lang" umupo sya sa tabi ko "hindi ka ba sasama?" Dugtong nya

"Hindi.kailangan ako dito e" sagot ko

Mas mabuting sumama na sya Kay papa para naman makapag isa ako.isa pa magbabakasyon din ako kasama si Ethan .

Probinsyanang basagulera 2Where stories live. Discover now