28

163 8 0
                                        

EthanPOV;

"Hindi mo ba talaga kayang ipaglaban ang totoo mong nararamdaman?ano?susuko ka nalang ng ganto?"

Hindi ko alam kung ano pa ang kaya kong gawin bilang kaibigan at isang itinuturing na kapatid ayukong pagsisihan at magdusa si matt sa isang pagkakamali .

"Pre?ano to?" nabigla kami ng nakita ang katulong ni matt na ipinapasok ang gamit nya sa kotse

"Babalik na ako,susundin ko na si mom " wala sa sarili nyang sagot at matamlay na pumasok sa kotse

Hindi na ako nag alinlangan pa agad rin akong pumunta sa kompanya ni harisson para sabihin na aalis na si matt.

"Sir!....sir sorry po pero Hindi na po kayo pwedeng pumasok" isang gwardiya ang humarang sa akin

"Kailangan kong kausapin si ms.Chavez!" Pagmamatigas ko

"Hindi po talaga pwede ,sir" sabi nya pero Hindi ko sinasadyang suntukin sya para makapasok lang,dumiretso agad ako sa opisina

"Sinong nag sabing-----

Naputol ang pagsasalita nya ng bigla akong pumasok

Hingal na hingal akong humarap sa kanya

" anong ginagawa mo dito?"iritado nyang tanong

"Aalis na sya,Hindi mo ba pipigilan?susuko ka na rin ba?" Saad ko sa kanya

"Bakit ko pa sya pipigilan?Hindi kami pwede.hindi kami ang para sa isat isa." Sagot nya

"Hindi ko alam kung bakit ang bilis nyong sumuko!hindi ko alam kung bakit matigas kayong pareho gayong mahal nyo naman ang isat isa at nagkukunware lang na walang pakialam!"

Disyama ang nakuha ko ,walang kinahantungan ang lahat .pero Hindi dito nagtatapos,gagawa pa rin ako ng paraan para sa kanila.

Probinsyanang basagulera 2Where stories live. Discover now