MatthewPOV;
"Bakit naman Hindi nya nagustuhan?maganda naman diba!?...diba?"
Pabalik balik ako sa paglakad dahil iniisip ko kung bakit Hindi nya nagustuhan ang surprisa ko kanina,
"Hmmm ang totoo PANGET talaga!"
pinandilatan ko ng mga mata si juhan sa mapang asar nyang saad
"P-panget?!" Naitugon ko nalang at napaupo bago sandaling tumahimik
"E bakit kasi yun pa ang naisip mo?" Tanong ni Leo
"Bakit?kung tinulungan nyo kasi SANA ako ,hindi ako papalpak diba?" Naiinis kong sabi
"Aba!ikaw kaya ang nag prisinta na gagawin mo yun mag isa ,tapos sisisihin mo kami ngayon?!" Pangangatwiran ni Ethan
"Hayyysst ,babawi nalang ako" saad ko at humilata sa sahig
"Desperado!" Rinig kong sabi ni leo
*kringgggg
Ms.chavez calling..."S-si harisson!" sambit ni Ethan habang nakatingin sa phone nya,agad akong tumayo at lumapit sa kanya
"Hello?"
"Ethan,pwede bang paki sabi kay matt na magkita kami sa address na ibibigay ko sayo?may importante kaming dapat pag usapan"
Sa pagkakarinig ko sa tono ng boses nya parang seryoso sya,parang kinakabahan tuloy ako
"This is your moment!" Ma ilusyong sabi ni juhan at hinalikan ako sa pisngi
Kadiri!
"Ano ba,kadiri ka naman" bulalas ko at binatukan sya
"Aray naman!nagbibiro lang e,tsaka goodluck kiss yun masyado kang assuming dyan"sagot nya
" tsk.tama na yan,mag ayos kana dun at baka malate ka pa..nakakahiya naman Kay harisson kung sya ang maghihintay"may pagka mapang konsensyang saad ni ethan
Nagbihis na ako at dali daling umalis,I feel nervous.
HarissonPOV;
Tinawagan ko si Ethan at sinabing gusto kong makipag kita kay matt para sa importanteng bagay,siguro panahon na para mapatawad ko sya.
Nakita kong nakaupo si matt at nakatalikod ito,pero alam kong sya yun.
"Buti Hindi ka late!" Sabi ko at umupo sa harap nya
"Hmmm" patango nyang tugon at ngumiti
Bat ang gwapo nya?
"A-ayos ka lang ba?" parang pinitik ako sa noo ng marinig ko ang tanong nya,tss natutulala nanaman ako
"Of course!" Pangiti kong sagot at pasimpleng ibinaba ang kamay dahil medyo pinagpapawisan ito
"Ano bang importanteng pag uusapan natin?" Excited nyang tanong
"Ah oo nga pala,tutal alam ko namang nagsisisi kana sa naggawa mo noon,siguro panahon na,para patawarin kita kahit alam ko namang may kasalanan din ako kasi ikinulong ko ang sarili ko dahil lang sa hinanakit sa'yo,at isa pa...humihingi rin ako ng sorry " walang paligoy ligoy kong saad sa kanya at diretso ring tumingin sa mga mata nya habang sinasabi ito.
"Yung aksidente 'wag mong isiping kasalanan mo yun,ako ang may kasalanan nun hindi ako nag ingat dahil masyado kong dinamdam yung mga nangyare sa atin"
Biglang nag bago ang ekspresyon ng mukha nya sa kaninang tahimik lang,napalitan ito ng tinging nagtataka at naguguluhan
"A-aksidente?" Patanong nyang tugon
Hindi nga pala nya alam ang tungkol dun dahil sa pakiusap ko kay ethan na wala syang sasabihin tungkol sa nangyare
"A-ayyssst aksidenteng iniwan m-mo a-ako...yun!" Pagpapalusot ko at napakamot nalang sa ulo
Siguro mas mabuting di nya nalang malaman .alam kong sisisihin nya si Ethan pag nalaman nya pa 'yon .
