EthanPOV;
Nagmamadali akong umalis sa opisina at pumunta sa bahay ni matt para ibalita ang masamang balita.tsz
"Matt?" Bungad ko ,nakita ko naman yung dalawang nanonood at gulat na tumingin sa akin
"Nasaan si matt?" Tanong ko
"Naliligo!" Sagot ni juhan
"Bakit?" Biglang sulpot nya at lumapit sa amin
"Masamang balita," sabi ko "pupunta dito ang mommy mo kasama yata yung fiancee mo" dugtong ko at hinihingal pang umupo
"ANOO?!" Sabay Sabay nilang naisagot
"Patay..." Nasambit ni juhan
"Paano kung malaman ito ni harisson?" Saad ni Leo
Oo nga ,isa pang problema yun dahil uuwi dito ang Kuya nya at kukunin nya para ilayo kay matt
"P-problema nga yan" medyo naguguluhan ko pang sagot" uuwi dito ang Kuya nya para kunin sya"
"Kunin?bakit?" Naguguluhan ding tanong ni matt
"Nalaman kasi Gabriel na nagkikita kayong dalawa,yun lang ang alam kong dahilan" sagot ko
"Ang bilis naman yata?hindi kaya alam nya din ang tungkol sa kasal mo kaya sya nagmamadaling ilayo sa yo si harisson.?" saad ni Leo na ikinatahimik naming lahat
"S-siguro nga" sagot ko
"May plano ba kayo?" Juhan
"Tumakas nalang kaya kayong dalawa?pumunta sa probinsya at agad na magpakasal?"
napaisip kami habang tumingin sa kay leo ,sa tingin ko magandang ideya yun
"Magandang ideya/Hindi pwede!" Sabay na naisagot ni juhan at matt
"Hindi pwede kasi ,Hindi sya papayag" sagot ni matt
Wala na din akong naisip na ibang plano kaya maghihintay nalang din kami sa mga mangyayare.
![](https://img.wattpad.com/cover/220963342-288-k992757.jpg)