HarissonPOV;
Hindi ako mapakali.Hindi ako mapalagay.hindi ko alam kung bakit parang may gumugulo sa isip ko.
"Hoy!" Isang sigaw ang narinig ko galing kay kuya,nandito kasi sya sa opisina ko ngayon
"Bakit?" Tanong ko
"Ayos ka lang?" Kunot noo nyang tanong
"Ahhh okey" sagot nya at ibinalik ang tingin sa binabasa nyang magazine
Sabihin ko kaya sa kanya?tss wag nalang ,alam kong magagalit lang sya.
"May gusto ka bang sabihin?" Tanong nya ulit kaya tumingin ako sa kanya
Nababasa nya ba ang nasa isip ko?!
"H-ha?w-wala ...wala akong kailangang sabihin" sagot ko at napakagat sa labi
"Ang manyak mo naman!" Rinig ko ulit na sinabi nya kaya napahinto ako at pinanlakihan sya ng mga mata
"Ha???!" Taka kong tanong
"Tss"sambit nya lang at nagbasa na ulit
Alam kong naguguluhan na ako tapos sumabay pa yung mga sinasabi nya,ako manyak?Hindi ah.
*knock knock
Napatingin ako sa pintuan ng may biglang kumatok
" come in!"sabi ko
Pumasok naman ang assistant ko,
"Ma'am ,may bisita po kayo " sabi nya at pinapasok si......ethan.
"Hi" Bati nya sakin
Nakita ko naman ang pangungunot ng noo ni kuya
"Bonjour Mr.Chavez" saad nya kay kuya
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang makaupo na sya
"Remember ngayon ang araw ng pagtuturo mo sa akin..diba?"
Napanganga nalang ako bigla at ngumiti sa kanya,oo nga pala nakalimutan ko.
"Turo?" Nagtatakang tanong ni kuya
"Ah oo tinuturuan ko sya" sagot ko
"Ganun ba?kailangan ko bang umalis?" Kuya
"Hindi naman." Saad ko
"Uhmm pero kelangan ko nang umalis ,kasi dadating si papa at susunduin ko sya" nakangiti nyang tugon
Si papa dadating?ba't di ko alam yun?
"Sige ,bye" lumabas na sya at naiwan kami ni Ethan
"Gusto mo bang sumama sa bakasyon?" Lumapit sya sa akin at sinabi yun
Bakasyon?
"Bakasyon.?" Taas kilay kong tanong
"Hmmm!" Pa tango nyang sagot
"Kelan naman ?!" Tanong ko
"Sa susunod na araw" tugon nya
Siguro mabuting sumama nalang ako para naman makapag relax .pero dumating si papa .
"Gusto ko sana sumama kaya lang,..narinig mo naman dadating si papa " medyo may pagkadismaya kong sagot
"Hmmm then next day nalang?" Patanong nyang sagot
Napangiti naman ako ,at nagsimula nang magturo sa kanya.
