EthanPOV;
"Bakit mo naman ginawa yon?pinatunayan mo lang na niloko mo nga sya,sana man lang dinipensa mo ang sarili mo at sinabi ang totoong mong nararamdaman.ang hirap kasi sayo duwag ka!Hindi mo kayang ilabas ang tunay na nandyan!
Hindi ko naiwasang sermonan at sisihin sya dahil sa ginawa nyang pagtalikod kanina kay harisson ,kitang kita ko naman sa mga mata nilang pareho lang silang nasasaktan.
" hindi ko na alam ang gagawin ko" nasabi nya nalang habang patuloy sa pag iyak
"Kasi Hindi mo inaalam!!sundin mo ang puso mo ,sundin mo ang nasa isip mo" dismayado kong saad sa kanya at tinalikuran na sya
MatthewPOV;
Siguro nga Hindi na kami ang talagang para sa isat isa.gusto ko nang sumuko.hindi ko na kaya .
"Matthew!wala ka ba talagang maidudulot kundi sakit ng ulo.?"
Rinig ko ang boses ni mommy na halatang dismayado sa akin
"Sa ayaw at sa gusto babalik ka bukas Australia at ako ang maiiwan dito para asikasuhin ang mga papeles" sabi nya pa
Pero hindi ako kumibo bagkos tumalikod ako at pumasok sa kwarto
"Matthew!!!" Sigaw ni mom
Ano bang kasalanan ko para hindi sumaya? Gusto ko syang ipaglaban pero Hindi ko naman maggawa .ang tanga ko!wala akong kwenta.
HarissonPOV;
"Kuya!...." Patuloy pa din ako sa pag iyak ,parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko.
Akala ko hindi na mauulit ang dati,akala ko sa sandaling ito sasaya na ako ng to too at hindi na masasaktan pa.
"Shhh tahan na" saad ni Kuya
"I'm sorry ,s-sana pala n-nakinig nalang a-ako sayo.." Patuloy pa rin ako sa pag iyak
"Wag mo ng sisihin ang sarili mo,okey?tama na" pagpapakalma nya sa akin
Pero Hindi pa rin madaling kalimutan ang nangyare!bakit kasi bumalik pa sya kung Hindi naman pala kami ang para sa isat isa.?bakit pinagtagpo kami ulit gayong hindi naman pala kami sa huli?