GabrielPOV;
Umuwi ako dahil na bobored na ko sa France ,ang liit ng dahilan ko noh?pero totoo naman e
Tumawag ako kay Harisson para Hindi na magpasundo at naisip ko rin na sa bahay nya tumuloy at Hindi sa hotel.namiss ko sya e.namiss ko syang awayin HAHAHAHA"Hello sir" bati nung katulong nya,aba himala at may katulong na sya? Hmmm
"Bonjour!" bati ko rin,
Dumiretso ako sa loob at nabigla sa itsura ng bahay nya,parang nagbago.
Wala man lang dekorasyon sa sala,sa itaas naman color black ang kulay at may mga diamond lang na nakadisplay!ha!
Napaka misteryoso naman nya.
"Sir 'wag po kayong papasok dyan!"
"AyyjuskonanayKoPo!"
Napatalon nalang ako bigla ng sumulpot ang medyo may katandaang Babae na nasuot ng black long dress at may pinta ang mukha at magulo ang buhok
"A-anong---?!
Naputol ang pagsasalita ko ng tanggalin nya ang kamay ko sa door knob
"'Pasensya na po sir kung natakot kayo..e ganito po ang kasuotan namin dito utos po yun ni ms.harisson!sabi nya sakin " at kabilin bilinan nya na 'wag kaming magpapapasok sa kwarto nya ng kung sino kahit sinabi pang inutusan nya at kahit na kamag anak pa"dugtong nya pa
Nagulat naman ako,ano bang pakulo nya?akala ko sya na ang the best na kapatid at pormal sa lahat ,Hindi naman pala !bukod sa mga mala horror na costume ng mga katulong dito ang panget pa ng kulay ng bahay nya.tss.
"Sige.sige Hindi na 'ko papasok" sagot ko at kunwaring naglakad pababa,pero nang makaalis na sya bumalik ako agad at pumasok sa loob ng kwarto ni harisson
"Ahhhhhh!" Napasigaw nalang ako nang makita ang paligid,puro itim ang disenyo,yung kama itim ang kulay,yung sahig parang glass kaya nakaka lula tumingin sa baba lalo na may crack ang disenyo yung salamin nya sa banyo may kulay pulang umaagos agos kaya tiningnan ko sa likod,tss tubig na may food color pala sa itaas naman may mga nakabiting kung ano-ano.nakakatakot naman.
