MatthewPOV;
"Sino ba kayo?bitawan nyo nga ako!humanda kayo pag nakawala ako dito!parang awa nyo na may importante pa akong gagawin!" Tuloy pa din ang pagmamakaawa ko sa mga taong nakahawak sa akin,I don't know who they are dahil sa piring ng mga mata ko.at isa pa Hindi ko alam kung bakit ako sinuntok ni leo kahapon ba o ngayon pa ring araw na ito.?
"Tumigil ka kung ayaw mong ilibing ka namin ng buhay!" Mariin nyang sabi kaya naman napatahimik nalang ako
"Nasaan na yung babae?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko kung kung saan,pero Hindi ko matukoy kung sino
"Nasa loob na boss" rinig kong sagot ng nasa tabi ko
"Ipasok na yan dun at magsisimula na daw" isang boses ulit na pamilyar sa akin ang narinig ko.
Jusko.ano to?
Ilang minuto rin kaming naglakad habang may nakahawak pa rin sa magkabilang braso ko damn it!
"Oh?bakit may mga piring ito?" Tanong ng nasa harapan ko
"Ahh 'wag na ho kayo magtanong simulan nyo na ho ang seremonya" parang boses ni Ethan yun ah
"Ah sya sige!" Sabi nung nasa harapan ko naramdaman kong may tumabi sa akin at medyo tahimik ito
"Ikaw babae tinatanggap mo ba si lalaki upang maging iyong kabiyak?"Ano to?kasal?
"What the fvcking hell are you saying!?" Sigaw ng nasa tabi ko,her voice is like harisson?!
"Aysusmareyusep patawarin ka sana ng maykapal sa iyong sinabi" natatarantang sabi nung nasa harapan ko at alam kong pari ito.
"Sumagot ka ng I DO kung ayaw mong mamatay ang magulang mo" isang pagbabanta ang narinig ko sa medyo kalayuan
"Anak sumagot kana ng I DO!" Rinig ko pa pero alam kung may mali sa boses.
"M-ma? ....oo na ..oo na I DO!" Sagot nya
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil alam kong si harisson ang katabi ko ngayon ,sya at wala ng iba
"Ikaw naman lalaki tinatanggap mo ba si babae na maging kabiyak?"
Ngumiti ako at sinabing..
"Tinatanggap ko po ng buong puso ang babaeng ito."
Sagot ko at malakas na hinugot ang kamay at tinanggal ang nakapiring sa mga mata ko ,Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sya nga!
"H-harisson?" Mahina kong sambit at hinila sya para halikan.
"Woooohhhhh!mabuhay ang bagong kasal!" Sigawan ng mga taong nakapaligid.
Tinanggal ko na ang piring nya at..
0_0!?!!!
"BASTOS! Ang kapal ng mukha mo para halikan ako!!" Galiy nyang sigaw at sinampal ako pero nang tumingin sya sa akin ng diretso para bang huminto ang lahat.
"M-matt? A-anong ibig sabihin nito?"tanong nya sa pangalan ko
Pero hinalikan ko sya ulit sa labi at niyakap ng mahigpit.sa wakas."OmyGOD!!!!STOP THIS WEDDING!!!!!" Napalingon kami sa likod at nakita si mommy na humahangos at nakahawak sa dibdib
"Mom?" bulong ko sa sarili
"Tita!the wedding is done!I think you're late" natatawa pang sabi ni Ethan
"Congrats pare!" Lumapit sina juhan at kinamayan ako ,Hindi ko maiwasang maging maimosyon dahil sa mga nangyare.
"I love you!" banggit ko habang yakap ang nag iisang babae sa puso ko
"I love you too!" Naisagot nya nalang.
"Siguro kailangan natin ng kasalan ulit?Hindi ko naabutan e" dumating din si Gabriel
And,finally we got married. Hindi ko na kailangang itago ang nararamdaman ko.Hindi ko na kailangang maduwag .Hindi ko na kailgangang mang iwan.Hindi ko na kailangang manakit lalo pa't narito na sya.nasa akin na sya.wala nang makakapag hiwalay sa Aming DALAWA.
-GEORGE HARISSON &MATTHEW CALYX