18

194 10 0
                                    

EthanPOV;

Hindi ko alam kung tama bang pumayag ako sa plano ni matt,sumakay nalang kami at ginawa ang pinagagawa nya sa amin

"S-sigurado ka ba dito?" Naguguluhan ko pa ring tanong sa kanya

"Oo naman.gusto Kong maibalik ang dati,gusto kong maiparamdam sa kanya na,SYA pa din" sagot nya

"Hindi mo ba naisip?ikakasal kana pre,tapos gusto mong bumalik ang dati?paano kung nagkabalikan nga kayo pero ikakasal  ka naman sa iba ,hindi ba mas lalo mo lang syang sasaktan nyan?"

Medyo naiinis Kong saad sa kanya

"Hihingi sana ako ng pabor"isang seryoso nyang pagkakasabi

" ano yun?"tanong ko

"Hindi ako babalik sa Australia at Hindi ko rin inaasikaso ang mga papeles para sa kasal,kung pwede sana ikaw na bahalang gumawa ng rason Kay mom pag nagkataon" sabi nya

Hindi sana ako papayag pero wala na,akong maggawa kundi pagbigyan sya.

"Sa tingin mo ba matatakasan mo ang nakatakda ng mangyare?" Mahina kong tanong sa kanya

Natahimik sya at halatang napaisip ng malalim

"Susubukan ko" sagot nya at umalis na

"Uy pre anong ginagawa mo dito.?"

Dumating si Leo at juhan

"Pinag iisipan ko kung tama ba ang ginagawa natin"tugon ko

Agad namang napaatras si juhan at may panlalaki ng mata akong tiningnan

" g-ginagawang ano?wala naman tayong ginagawang masama ah!"taranta nyang sabi

*pok!

"Kahit kelan ang hina mo talaga,ang ibig nyang sabihin kung tama ba ang ginagawa nating pagtulong Kay matt"

isang pitik sa noo ang binigay ni Leo Kay juhan bago nagsalita

"Ayyysht di naman kasi nililinaw" reklamo nya at napaupo nalang

Pero tama nga kaya ang ginagawa namin?tama rin bang tinanggap ko ang pabor na hinihingi ni matt?

Probinsyanang basagulera 2Where stories live. Discover now