EthanPOV:
"Uy pare sigurado ka bang hindi papalpak ang plano mong to?" Medyo may kaba pa sa Tono ni juhan
"Oo naman,tiwala lang" sagot ko habang tinatawagan si matt
"Hello?"
"Pare may problema,si harisson na kidnapp Hindi namin alam kung nasaan na sya ngayon,kahapon pa sya inireport at hinahanap"
Ibinuhos ko na lahat ng pag Arte ko para magmukhang totoo ,oo plinano ko lang to para maibalik ang dalawang naduduwag.
"WHAT?!" nailayo ko ang telepono sa tenga ko dahil medyo napalakas ata ang sigaw nya sa kabilang linya hanggang sa ibinaba nya na ito
"Ayyy pakshit!naputol na pero Hindi ko pa nasasabi na kailangan nyang umuwi dito sa lalong madaling panahon" inis kong saad at humawak sa ulo
"Ayyt Sabi na papalpak to e" Leo
"Negative thinking ka naman pre," hampas ni juhan kay Leo
"Ano na set mo na ba yung pinagagawa ko sayo?" Baling ko kay Leo
"A-ah oo maayos na,sabi ni father free daw sya sa araw na yon"sagot nya
" e ikaw naman juhan,kumusta ang lugar?maayos ba ?"tanong ko naman kay juhan
"Ayos na" tipid nyang sagot
"Kailangan lang natin mapauwi si matthew dito sa araw na ito" turo ko sa kalendaryo
"At sa araw bago sya umuwi kailangan nating makidnapp si harisson at dalhin sa lugar na ito"dugtong ko
" teka! Paano kong hindi sya dumating?" Kunot noong tanong ni Leo
"Tsk!ako na bahala Kay matt ,kayo kay harisson" sabi ko at tumayo
"Deal!" Sagot nilang dalawa
Ngayon ay araw ng sabado at sa susunod na linggo ang Kasal ni matt Kay Betty sa Australia.kailangan naming mapauwi sya sa araw ng huwebes dahil kikidnappin namin si harisson sa meyerkules ,may dalawang araw pang natira yun ang mga araw na gagamitin namin para mapaniwalang nakidnapp nga si harisson at sa araw ng linggo ,yun ang magiging finale.
"BOOHHH!"
natigagal ako ng sapukin ako ni juhan,
"Problema mo ?" Iritado kong tanong
"Tigilan mo na yang kaka ilusyon mo dyan"sabi nya at ipinasak ang earphone sa tenga,ano bang problema ng taong yun?tss
