HarissonPOV;
Madilim na ang paligid ,lumubog na ang araw pero nandito pa din ako mag isa sa tabing dagat at nakaupo habang pinagmamasdan ang alon ng dagat
"Hindi ka pa ba magpapahinga?" Isang boses ang nagtanong sa akin at umupo sa tabi ko,si Matthew
Hindi ako sumagot at tahimik lang
"I'm sorry" mahina nyang sinabi" iniwan kita noon bigla ,Hindi ako dumating sa graduation dahil sa minadali kong umalis ng bansa.pero nandito na ako ngayon at biglaan din ang pagdating ko"dugtong nya pa
Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya
"Pero ngayong nandito na ako hindi na kita ulit iiwan,kahit ramdam ko ang galit mo sa akin at pinapakita mong wala ka nang nararamdaman sa akin,sisikapin kong maibalik ang dati"
Sa pagkakataong ito tiningnan ko sya ng diretso
"Hindi mo na ito kailangang gawin,wala ring mangyayare" sagot ko at tumayo na pero hinawakan nya ang kamay ko at agad akong niyakap
"Please!bigyan mo ako ng second chance para mabago lahat " saad nya at niyakap ako ng mahigpit
Itinulak ko sya ng malakas at iniwan sa kinatatayuan nya, pinatawad ko na sya matagal na .pinatawad ko sya dahil mahal ko sya
Pero hindi ko maalis sa isipan kong minsan nya na akong nasaktan,minsan nya na akong iniwan .
MatthewPOV;
Itinulak nya ako at umalis na sya,naiwan akong sinusundan sya ng tingin habang may luhang dumadaloy sa mukha ko .
Pero hindi pa din ako titigil ,mahal ko sya kaya walang dahilan para huminto ako diba?
Matt!walangya naman pre,kanina ka pa namin hinahanap e"humahangos si Leo na tumatakbo papunta sa akin
Nagpunas ako ng luha at tiningnan sila ni juhan
"Bakit?" Tanong ko
"May problema tayo,nabasa namin ang announcement ni tita ,sabi dito mapapa aga ang kasal mo" may pagdismayado nyang saad habang nakatingin sa Ipad
Hindi ko maiwasang mainis dahil sa nabalitaan ko,disidido talaga silang isakripisyo ang buhay ko para lang sa,kompanya.