24

160 8 0
                                        

GabrielPOV;

Ilang linggo din ng malaman kong nasa pinas si Matthew ,ex boyfriend ni harisson ang taong naging dahilan ng muntik ng pagkawala ng kapatid ko.

Nalaman ko ring ikakasal na ito sa isang anak ng pinakamayamang negosyante sa austrilia,Hindi ko man sigurado na makikipag kita ito sa kapatid ko sinubukan ko pa ring sabihan si harisson para makumpirmang nagkikita nga sila at oo tama nga ako.

Hindi ko maiwasang magalit,gusto ko lang naman protektahan ang kapatid ko dahil ayuko na syang umasa at masaktan ulit.

"Ma,babalik ako sa pilipinas bukas na bukas din" nandito ako ngayon sa london kasama silang dalawa ni papa

Noong nasa pinas si papa minabuti kong sumama sa kanya at sa China nga kami muna pumunta bago bumalik ng london,at doon ko nga nalaman na business partner ni papa ang magulang ni matt ,Hindi ko rin inaasahang malaman na nasa pinas ang anak nila kaya naisip kong posibleng magkita ulit ang dalawa.

"Bakit naman?akala ko ba babalik kana sa Germany?" Nagtataka nyang naitanong sa akin

"Susunduin ko lang si harisson at isasama sya sa pag uwi ko sa Germany" sagot ko

"Ahh mabuti yun,himala yata at sasama sya sayo?"

Napahinto ako sandali ,Hindi alam ni mama ang tungkol dito mas mabuti 'yon .

"A-ah oo n-nga po" naisagot ko nalang

HarissonPOV;

"Di ka yata mapakali?" natigil ako sa pag iisip ng magsalita si Ethan

"Ayukong sumama kay Kuya" agad kong tugon sa kanya

"H-ha?anong ibig mong sabihin?" Tanong nya

"Babalik sya dito bukas para isama ako sa Germany " sabi ko"isasama nya ako kasi gusto nyang ma layo ako kay matt"dugtong ko

Nagulat naman sya sa sinabi ko

"P-paano nya nalaman?" Tanong nya

"Hindi ko din alam" sagot ko

"Problema nga yan,tss" naisabi nya nalang at tumingin sa cellphone nya ng mag vibrate ito

"Hello?" Sagot nya dito at suminyas sa akin ng 'sandali lang'

Bigla akong napabalikwas ng upo ng makita ang reaksyon nya na para bang naguguluhan at kinakabahan na Hindi ko maintindihan

Ibinaba nya ang phone nya at mabilis na nagpaalam

"K-kailangan ko nang umalis" sabi nya at nagmamadaling lumabas ng opisina ko

"Anong nangyare don?" Naitanong ko nalang sa sarili ko

Ano bang nangyayare sa mga tao ngayon?parang laging galit!natatakot!kinakabahan at kung ano ano pa!

Ayyystsss

Probinsyanang basagulera 2Where stories live. Discover now