8

229 13 0
                                        

EthanPOV;

Pumunta ako sa opisina ni harisson para ibalita ang pagdating ni matt,pero nagkamali ako inakala ko kasing matutuwa sya pero parang balewala lang sa kanya ito,

Alam ko kung gaano sya nasaktan noon pero di nya lang pinakita sa amin dahil ayaw nyang mag alala ang mga taong nasa paligid nya ,pero noong naaksidente sya nalaman rin namin ang totoo

Flashback;

Nakatanggap ako ng text galing sa mama ni harisson na nagsasabing nasa hospital ito dahil sa pagkaka aksidente kaya agad akong pumunta sa hospital para makita ang kalagayan nya

"A-ano pong nangyare?" Kinakabahan kong tanong sa mama nya habang iyak ito ng iyak

"Hindi namin alam,basta may tumawag sa amin na narito sya sa hospital" sagot ni Gabriel ,Kuya nya

"Excuse me?" Dumating ang doctor "sa ngayon po Hindi pa maayos ang kalagayan ng pasyente,maraming dugo ang nawala sa kanya at isa pa....

Napatingin ako ng diretso sa doctor dahil sa ekspresyon nyang nagpakaba sa akin lalo bukod sa kalagayan ngayon ni harisson

" baka kailanganin naming putulin ang right leg nya dahil sa damage nito"

Napaupo ako sa narinig ko at lumakas naman ang paghagulgol ng iyak ng mama nya ,bakit nangyare pa to?

"Excuse me" umalis na ang doctor at naiwan kaming puno ng kaba ,kitang kita ko ang pag ka awa ni Gabriel sa kapatid nya pero wala naman syang maggawa kundi tingnan nalang ito.

But after a month ,naggising na sya at binalita rin ng mga doctor na Hindi kailangan pang putulin ang binti nya dahil maayos na ito,kailangan lang na ingatan at alalayan para sa mabilisang paggaling ,finally nakarecover na nga sya sa mga sandaling iyon.

----
That time nung nadisgrasya si harisson Hindi ko maiwasang sisihin si Matthew,hindi ko naiwasang sumama ang loob sa kanya dahil sya ang dahilan ng lahat .kaya nga Hindi ko sinabi sa kanya ang mga nangyare dahil sa galit ko ,kahit may kumonikasyon kami Hindi ko pa din sinabi ang tungkol kay harisson ,oo madalas nyang tinatanong kung okey lang ito pero lagi kong sinasagot na 'oo'  ,hanggang ngayon Hindi nya pa din Alam ang katotohanan wala na din akong balak ibalik ang nakaraan lalo pa't narito na sya sa pinas at maaaring mag tagpo ang tadhana nilang muli.

Probinsyanang basagulera 2Where stories live. Discover now