EthanPOV:
"Sir nakuha na po namin yung babae ,dadalhin na namin sya sa probinsya"
"Sige,ingatan nyo yan ha"
Mahina kong tugon sa kanya ,
"Ethan,pare tumawag si matt mukhang Hindi tayo papalpak" pangisi ngising saad ni juhan
"Pero may problema,si Gabriel nandito pa pala sa pilipinas paano kung hanapin nya yung kapatid nya at pumalpak ang plano?" Leo
"Ako na ang bahala dun "sabi ko bago chineck ang laptop
" hayst Alam nyo Hindi ko lubos maisip kung tama ang ginagawa nating 'to"buntong hininga ni juhan
"Alam mo mas mabuti pa sumunod kana sa probinsya ng maayos lahat do'n" sabi ko sa kanya habang nakatitig pa din sa laptop
"Fine." Tipid nyang sagot.
"Eh ,ako?" biglang tanong ni Leo
"Dito ka lang kailangan kita dito"
"WHAT?!!you mean ako lang mag isang pupunta dun ?Hindi sya kasama?"
Turo ni juhan kay leo"Bakit?Hindi mo kayang mag isa?" Medyo naiinis Kong tono
"H-hindi" sagot nya
"Yun naman pala e" mahina kong sabi
"Bukas dadating na si matt tapos isang araw natin syang lilituhin at kinabukasan sa araw ng sabado dadalhin natin sya sa probinsya." Paliwanag ko sa dalawa
"Hmmm sandali nga!babayaran mo kami pagkatapos nito?" nakunot ang noo ng maitanong nya yun
Bayad.?
"Hindi syempre!anong ibabayad ko sa inyo savings ko?" pinandilatan ko sya ng mata
"Ano?" Pareklamo nyang sabi
"Tch rereklamo pa,umalis kana dito para naman maaga kang makarating sa san jose at maayos ang dapat ayusin" buti nalang nandito si leo mas nakikinig sa kanya si juhan kesa sakin