EthanPOV;
Lakad...balik...lakad...balik....lakad..
*pokk!
Kunot noo akong lumingon kay Leo at naiinis ko syang binigyan ng tingin dahil sa bigla nyang pagbato sa akin ng remote control ng TV
"WHAT?!!!" napasigaw nalang ako
"Kanina ka pa pabalik balik dyan..at kanina pa rin ako napapagod kaka silip sa TV!" galit nyang saad sa akin
Napatingin naman ako sa likod ko at napagtantong nasa harapan pala nila ako at nakakaharang sa pinanonood nila.
"Kissing scene na yun pre e,Hindi ko nakita!" Busangot ni juhan habang sinipa sipa ang bola sa tapat nya
Napaangat ang kilay ko ng utumatiko at tiningnan sya
"Kadiri ka!" sabi ko habang pinanlakihan sya ng mga mata
"Alam mo painosente ka rin e,nanonood ka din naman pag ganyan ang scene diba?" Medyo mapang asar nyang saad
Agad ko naman syang binato ng nadampot kong remote sa paahan ko
"Araaaayyy!!!" Sigaw nya at idenepensa ang kamay
"Shut up!" Sigaw ni Leo habang seryosong tumayo ,ano bang nangyayare sa kanila?ang weird
"no bang problema mo bat parang di ka mapakali dyan?" Tanong nya sakin bago umupo ulit
Napaupo na din ako at nagpangalumbaba
"Iniisip ko lang naman kung ano ang gagawin natin kapag nalaman ni harisson ang tungkol sa kasal" sabi ko sa kanila
"Tsk!labas na tayo dun kaya na ni matt yun!" Tugon ni Leo
"Ano ka ba?sabit din tayo " sagot ko habang tiningnan silang dalawa
"E ano bang iniisip mo?" Medyo malapit ang mukha ni juhan sa mukha ko kaya nanlaki ang mata ko kaya itinulak ko ito gamit ang kamay
"Iniisip ko kung Hindi kaba talaga bakla!" Sabi ko at lumayo sa kanya
"Ayyyst grabi!natural naman hindi!" sagot nya habang tumayo at nagpamewang
"Ipag untog ko kaya kayo?" Singit naman ni Leo
halos wala rin napuntahan ang pag uusap naming tatlo dahil sa kalokohan nila.nakakainis .
