MatthewPOV;
Hindi ko ito inaasahan,parang na istatwa ako sa nakita ko.totoo ba 'to nandito sya sa harap ko pero bakit parang wala man lang syang reaksyon nang makita ako?
"Kumusta?" Masayang tanong ni Leo sa kanya
"Okey lang" sagot nya e kayo?Kumusta na?"
"Hmmm ayos din naman maliban sa kanya"
Itinuro ako ni juhan at nakita ko namang napatingin sa akin si harisson dahilan para tumama ang paningin naming dalawa
"Bakit naman?" Tanong nya
Agad kong binigyan ng makahulugang tingin si juhan at nakuha nya naman ito ,ayukong malaman nya na nandito lang ako para ayusin ang kasal.
"Kasi namiss ka nya HAHAHAHA"
Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatawa sila habang ako tahimik lang na nakikinig
"Normal lang yun dahil sa mahabang taon na Hindi kami nagkita" sagot nya na parang wala lang
Sa tingin ko wala na syang nararamdaman para sa kin pero Hindi ako susuko susubukan ko pa din hanggang bumalik ang dati.
"Sana bumalik yung dati!yung dating kayo" singit ni Ethan habang tumingin sa aming dalawa
Sana nga!
"Hahaha sa tingin ko Hindi na" natigil ako sa narinig mula kay harisson ,tumayo na sya at umalis habang kami naiwang nakanganga at nakikiramdam sa bawat isa.
Nagkibit balikat nalang ako at napahilamos ng kamay sa mukha
HarissonPOV;
"Hahaha sa tingin ko Hindi na"
Medyo nasaktan ako sa mismong sinabi ko ,kitang kita ko rin ang pagdismaya nilang apat ,tumayo na ako at umalis para maitago ang nararamdaman ko
Pumunta ako sa tabing dagat at doon ibinuhos ang kanina pang Luha na gustong tumulo.umiyak ako ng umiyak ,Hindi ko kayang magpanggap ng ganito.gusto ko syang yakapin pero Hindi ko kaya.Hindi ko naman alam kung may nararamdaman pa ba sya sa akin talaga e.
