Simula noong araw na magising ako sa tabi niya ay pilit ko siyang iniiwasan. Hindi ako nag i stay sa may office namin at madalas ay nasa labas ako. Kaunti na lamang ay hindi na ako pumunta ng company ko at parati akong nasa laboratory kasama ni Raine. Nahihiya kasi ako.
Hiyang hiya ako at parang wala lamang sakaniya ito. Kinakausap niya pa rin ako ng normal at ako 'tong hindi maka sagot ng maayos sakaniya. Jusko! Hanggang kailan kaya ako ganito? Hanggang kailan ko siya iiwasan?
"Bakit lagi kang nandirito nitong mga nakaraan, Lancie?" Tanong sa akin ni Raine.
Siguro ay napapansin niya na rin na palagi akong nandito at hindi na ako halos pumupunta ng company.
Jusko, Raine. Kung alam mo lang ang dahilan kung bakit!
"W-wala namang ginagawang masyado ron." Pag sisinungaling ko. Pero ang totoo ay natambak na ang ibang mga paperworks ko roon at sa bahay ko ginagawa ang iba.
"Ah kaya pala."
May kumatok sa may office namin ni Raine at pumasok si Rhea.
"Ma'am Lancie, may nag hahanap po sa inyo."
"Sino?" Tanong ko at bumukas ulit ang pinto.
Nagulat ako nang makita kong si Luke ito at ang sama sama ng tingin niya sa akin. Anong ginagawa niya rito?
Lumabas si Rhea at naiwan kaming tatlo na nandirito. Napa lunok ako at naka ramdam nanaman ako ng kakaibang hiya sa dibdib ko.
"Man, what brought you here?" Tanong ni Raine sakaniya.
"Can you please go out? I want to talk to her. Alone."
"Oh. Okay." Sagot ni Raine at tumayo ito mula sa chair niya. He went outside the office at naiwan kaming dalawa ni Luke rito.
"Why are you always here?" Tanong niya sa akin at napa tingala ako sakaniya. "Bakit hindi ka nag i stay sa company?"
Pinuntahan niya talaga ako rito para lang tanungin tungkol diyan?
"W-wala naman kasing masyadong ginagawa ron so I spend my time here." Kinakabahan na sagot ko.
"Walang masyadong ginagawa? Halos ako na nga gumagawa ng lahat. Carla talked to me and she told me na tambak na rin ang mga trabaho mo."
"I'm sorry. Gagawin ko lahat nang 'yon bukas."
"Bukas? Go with me now. Hindi bukas, hindi mamaya kung 'di ngayon, Lancie."
"I'm sorry."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at inilagay ko sa may bag ko ang mga gamit ko. He looks serious at parang may inis ito. Well, remove the word parang. Inis talaga siya sa akin. Nahihiya lang talaga kasi ako at ayaw kong mag kasama kami.
"Don't be so unprofessional just because we kissed and we slept together." Nabitawan ko ang ballpen ko at mabilis ko itong pinulot.
Bakit kailangan niya pang ipaalala 'yon?! Kinakalimutan ko na nga 'yon at pilit kong iniiwasan pero siya parang wala lamang sakaniya ito. Pinapaaalala niya pa talaga sakin!
"Luke, please. Huwag na huwag mo ng babanggitin 'yan."
"And why? We really kissed. You and I. Kaya hindi ka nag pupunta sa office dahil don 'di ba? You're even lying. Can you just accept that you got tempted?"
"I can't accept it because I'm married! Hindi ako single na babae na tatanggapin 'yan at hindi mahihiya sa'yo! God, may asawa ko pero nagising ako sa tabi mo? And I let myself kissed you? For fucking sake we're business partners."