Chapter 23

3.6K 166 35
                                    

Buong araw kong hinintay na pumasok si Luke sa office pero hindi ito dumating. He didn't attend for today at medyo nag aalala ako. Okay lang kaya siya? Gusto ko sanang tanungin din si Raine sa lab ang kaso ay hindi rin siya pumasok. Tapos tinatawagan ko si Lucia, Kennedy at Evan pero hindi rin sila sumasagot. Hindi ko alam kung nagka taon lang ba 'to or what pero ni isa sakanila ay wala akong macontact.

Inilapag ko sa may mesa ang pagkain na niluto ni Manang para sa dinner namin. We're going to eat our dinner at magkatabi na ang kambal ko sa hapag.

"Mommy, upo ka na. We can manage." Aster said.

"Yeah." Sabi rin ni Reid.

Hindi ko sila sinunod at nilagyan ko ng pagkain ang mga plato nila. Tsaka lamang ako umupo nang matapos akong mag lagay at nag lagay na rin ako ng pagkain sa may plato ko.

"How's your day mga baby?"

"K lang." Tipid na sagot ni Reid as usual.

"It was okay, Mom. I introduced Cole to Reid and they are friends now."

"That's good. Binigay mo ba mga pasalubong sa mga friends mo, Reid?"

"Yeah."

Dapat talaga masanay na ako sa anak kong 'to. Pero dapat yata e turuan ko siyang mag salita ng mas mahaba?

"Aster, may sumundo ba kina Vanvan at Lorence kanina sa school?"

Gusto kong malaman kung nag punta ba ang mga kaibigan ko kanina. Dahil lahat sila ay hindi ko macontact.

"I'm not sure, Mom."

"What about Ken? Sinundo ba siya ng Uncle Kennedy mo?"

"Aunt Crane fetched him." Sagot ni Reid.

So hindi si Kennedy ang sumundo sakaniya. Bakit kaya?

"What about Cole?"

"Si Uncle Ryoga po. Pero umuwi rin po sila agad. Mukhang nag mamadali po sila e."

Nagpa kita si Ryoga pero mukhang nagmamadali? Bakit? May problema ba?

Natapos na kaming kumain pero hindi ako nakakain ng maayos. Iniisip ko silang lahat. Parang ang strange lang kasi. Para akong mababaliw kaka isip.

Dumiretso ako sa may kwarto ko at nag shower ako. Kailangan kong maliwanagan. Nag aalala na ako sa lahat ng 'to dahil naalala ko 'yung last time na hindi pumasok si Luke. Na aksidente siya and he was receiving treatment for one week.

Paano kung maulit 'yun? Paano kung may nangyari nanamang masama sakaniya? Shocks!

Tumayo ako sa may kama ko at kinuha ko ang cellphone ko. I dialled Luke's number at kinakabahan ako. Kailangan ko siyang makausap lalo na't hindi maayos ang pag kikita namin kagabi.

Ring lamang ng ring ang cellphone niya at walang sumasagot. Napa upo ulit ako sa may kama ko nang hindi na siya sumagot at nag isip ako.

"Anong gagawin ko?" I asked myself.

My phone started to ring and it's Lucia who is calling. Mabilis kong sinagot 'yun at mukha na siguro akong aligaga ngayon.

"Hello? Kanina ko pa kayo tinatawagan."

"Busy ka ba?" She asked me at ang baba ng boses nito.

"H-hindi. Bakit?"

"Gusto sana kitang maka usap. Pwede ka ba? Alam kong gabi na pero gusto talaga kitang maka usap e."

"Pwede bang dito nalang sa bahay? Tulog na ang mga bata."

"Sige. Hintayin mo ako riyan. Puntahan kita."

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon