Chapter 31

3.5K 169 101
                                    

Kinakabahan ako habang papunta ako sa clinic ng Doctor ko. Ngayon lang ulit kami nakapag meet dahil nagkaroon siya ng emergency at nag punta ng US. Ngayon lang kasi naka balik ang bruha kaya ni message niya ako right away para makapag usap na kami.

I stopped my car in front of her clinic. Bumaba ako at pumasok sa loob. Kinausap agad ako ng Assistant Nurse nito.

"Kay Doc Ona." I said and smiled to the nurse.

"Kanina niya pa po kayo hinihintay Ma'am. Wala na pong pasyente si Doc."

Hapon na rin kasi. It's 5:30 PM. Sinabi ko nalang nga kay Luke na may imi meet akong kaibigan e. Buti nalang at may lakad din siya at hindi na nag tanong tanong pa. Pinasundo ko nalang din ang mga bata kay Papa, dad ni Pat at susunduin ko nalamang sila mamaya sa kanila.

"Thanks. Can I go inside now?"

"Yes po, Ma'am."

Pumasok na ako sa kwarto kung nasaan si Doc Ona. Agad ko siyang nakita sa may table nito na nag babasa ng libro. Fifty Shades of Grey pa ang binabasa niya. Ibang klase talaga 'tong Doctor na 'to.

"Hoy." Bati ko sakaniya atsaka niya ako tinignan.

Napa irap na lamang ako ng makitang naka face mask nanaman ito kaya natatakpan ang mukha niya.

"Ang ganda naman ng bati mo. Napaka over whelming." I can sense that she is smiling behind those mask dahil ngumingiti ang mga mata niya.

"What's with your face mask ba Doc? Ba't hindi mo alisin?"

"Hiya ako ih." She said at humagalpak ito ng tawa.

Would you believe me if I say that until now, I don't know her face? She doesn't show her face to anyone at lagi itong naka mask. She's so weird. Sakaniya ako dinala ni Dad at Pat noong mga panahong nalugmok ako e. Siya ang tumulong sa akin.

"You're a crazy doctor, Doc."

"Whatever. Sorry nga pala at medyo natagalan ang pagkikita natin. Nagka problema lang sa US."

"Naiintindihan ko naman."

"So what's up? How are you na?"

"I'm good. Ikaw?"

"I'm always good." Sagot naman niya sa akin. Kinuha niya ang folder niya and I know it's my folder. "So, anong problema at nandirito ka nanaman sa harapan ko?"

Huminga ako ng malalim at kinabahan ako. My hands started to shake again. I'm trying to calm myself but I couldn't.

"Here. Drink this water first."

Inabutan niya ako ng mineral bottle at ininom ko naman ito. Halos maubos ko na ito dahil sa tensyon na nararamdaman ko.

"Kinakabahan ka? Bakit?"

Pumunta siya sa harapan ko at umupo ito sa may kaharapang chair ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil ito helping me to calm down.

"Naguguluhan ako. Hindi ko alam pero natatakot ako."

"Natatakot saan?"

"Sa lahat. I think I am not normal anymore."

"Tell me everything. I'll listen. Tsaka ghorl, huwag kang kabahan. I am here. I'll help you. Ano pa't ako ang doctor mo 'di ba?"

I took a deep breath and look into her brown eyes. Tinitigan ko ang mukha niya and somehow I felt calm. This is what I like about her, parang may connection kaming dalawa.

"I met a man. His name is Luke Athen Adams." Pag uumpisa ko.

"What?" Gulat na tanong niya sa akin. "You met Luke?" Napa kunot ang noo ko sa naging reaksyon niya.

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon