Chapter 25

4.2K 173 81
                                    

Umuwi ako kinabukasan at sinundo ko sila Aster at Reid kina Lucia. Medyo nagalit pa sa akin si Reid dahil hindi raw ako bumalik at hindi kami naka uwi sa bahay. I just apologized to him at mabilis din naman niya akong pinatawad. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ako nakauwi e. And it was because I was with Luke the whole night.

"Bakla ano palang nangyari?" Tanong ni Lucia at nandirito kami sa may DK's restaurant na siyang paborito namin.

She called me and she wanted to meet me para tanungin sa kung anong nangyari. Hindi pa kasi kami nakapag kwentuhan dahil nag madali kaming umuwi noong asa kanila kami dahil may pasok pa ang mga bata.

"I-I can't let him go." I said at napa titig ako sa may pagkain na nasa harapan ko.

Pakiramdam ko ang sama sama kong babae. I feel like I am the worst woman dahil mas inuuna ko ang sarili kong kasiyahan kaysa sa pamilya ko. Nagpapadala ako sa tukso pati sa damdamin ko.

"Bakla, akala ko ba papakawalan mo na siya? Hindi ba't makikipag ayos ka na kay Patricio?"

"Oo. Pero kasi..." Huminga ako ng malalim at napa sabunot ako sa buhok ko. "Nalilito ako Lucia." Tinignan ko siya habang naka titig lamang din siya sa akin.

"Anong nalilito?"

"Nahihirapan ako. Buo na 'yung desisyon ko noon e. Na bibitawan ko na siya. Na tatapusin ko na kung anong meron kami pero noong nasa harapan ko na siya mismo, ang hirap. Lalo na noong sinabi niyang sabihin ko na mahal ko si Patricio sa harapan niya."

"Hindi mo nasabi?"

"H-hindi."

"Mahal mo si Pat?"

"Oo."

"E bakit hindi mo nasabi sakaniya?"

"Hindi ko nga alam. Nababaliw na yata ako."

Sumubo ako ng pagkain at ngumuya ako habang nag iisip.

"Baka mahal mo na siya bakla? Hindi mo pa ba siya mahal?"

Naubo ako dahil sa sinabi ni Lucia. Muntik na akong mabilaukan at mabilis niya akong binigyan ng tubig at ininom ko naman ito agad agad.

"Mahal? Mahal ko si Luke?!" Sigaw ko sakaniya.

"Gaga. Nagtatanong palang ako. Hindi ko sinasabing mahal mo na siya pero baka mahal mo na kaya ka nahihirapan ganon."

Alam kong si Patricio ang mahal ko. Siya ang asawa ko at siya ang mahal ko e.

"Mahal ko ang asawa ko." Matigas na sabi ko.

"Bakla, kung mahal mo ang asawa mo hindi mo papatulan ang kapatid ko kahit ano pang pag tutulak ang ginawa namin sainyo. Oo aminado naman ako na pinaboran ko ang relasyon niyo dahil gusto ka talaga ni Luke at gago 'yang asawa mo. Pero kahit anong pag tutulak namin sa'yo at kung pumabor man ang buong mundo sainyo, kung tapat ka talaga sa asawa mo, hindi mo papatulan si Luke."

"P-pinatulan ko rin naman kasi siya dahil akala ko h-hindi na kami magkaka ayos ni Pat. Akala ko hihiwalayan niya na ako."

"O sige sabihin na nating ganon nga. Pero ngayon, andiyan na ang asawa mo at handa na siyang ayusin ang sainyo, bakit hindi mo nasabi kay Luke ang gusto niyang sabihin mo sa harapan niya?"

Bakit nga ba? Hindi ko rin talaga alam! Litong lito ako.

"Saka bakla sa ginawa mong 'yan kapag nagka hulihan kayo alam mo naman siguro maaring mangyari sa inyo ni Patricio 'di ba? Yung consequence."

Sa totoo lang isa 'yun sa mga kinakatakutan ko e. Paano kapag nalaman ni Patricio ang ginagawa ko?

"Hindi ko ipapaalam sakaniya. Itatago ko."

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon