Lancie's POV
My head is pounding like hell at unti unti akong nagigising dahil sa pag kirot nito. Napa hawak ako sa may ulo ko at iminulat ko ang mga mata ko. I look around when I realized that this is not my room. Nasaan ako?
Bumukas ang pinto ng kwarto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Luke. B-bakit siya nandirito? Don't tell me bahay niya 'to? Nandirito rin ba sila Lucia? Si Kennedy? At si Evan?
"Gising ka na pala." He said and he stopped in front of the bed.
Napa lunok ako dahil wala pa itong damit pang taas at naka short lamang siya. I look on the other side dahil bwisit. Ang ganda ng katawan niya. He has 8 pack abs that my husband doesn't have. May tattoo pa ito sa may bandang tiyan.
At oo. Walang abs ang asawa ko. Ewan ko ba sa Abellano na 'yon at bakit walang abs! Ab lang ang meron siya. Kainis.
"Y-yeah. Where are they? I think I was so drunk last night." I said at sinulyapan ko ang mukha niya.
Naka titig lamang siya sa akin at hindi ko mabasa ang emosyon niya. Akala ko ba friends na kami? Bakit parang masungit nanaman siya or wala lang siya sa mood dahil umaga?
"Wala sila rito. Umuwi na sila kagabi." Umupo siya sa may kama, sa may bandang paanan ko.
"Ah ganon ba? Hehe. Kwarto mo ba 'to?"
"Yep. Nandito tayo ngayon sa unit ko."
"Ah, I see."
Shit! Anong klaseng babae ako para matulog sa kwarto ng isang lalaki? At grabe! Bakit ako ipinagkatiwala ng mga kaibihan ko sakaniya?! Alam kong gusto nilang hiwalayan ko si Pat at pabor sila ron pero huwag naman sanang umabot na papabayaan nila ako sa piling ng isang lalaki.
Tumayo ako sa may kama at inayos ko ang kumot at unan na naroroon. Tabi kaya kaming natulog? My gosh! Bakit ko pa ba iniisip 'yon? Kailangan ko pang umuwi dahil susunduin ko pa si Aster kila Kai.
"Maraming salamat sa pagpapa tuloy sa akin. Mauna na ako at pasensya na kung na abala pa kita."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at kinuha ko ang sandals kong nasa tabi. Sinuot ko ito atsaka na ako lumabas ng kwarto niya.
"Gaga ka talaga, Lancie." Bulong ko sa sarili ko.
"Wait!" Habol niya sa akin. "Kumain ka na muna. I prepared breakfast for you."
"Ah, hindi na. Okay lang talaga. Mauna na ako, Luke. Thank you."
Tinalikuran ko na siya pero hindi pa man ako nakakalayo nang makaramdam ako ng kaka ibang kuryente sa katawan ko nang hawakan niya ang braso ka. Pinipigilan niya ba ako? I want to go out. This is not good.
"Naiilang ka ba?" Diretsong tanong niya. Hindi na ako masyadong naiilang ngayon dahil may tshirt na siyang soot. Pero oo, naiilang pa rin ako.
"Oo? You know, I'm a married woman and sleeping here in your unit is not good."
"That's okay. We're friends, right?"
"Oo. Mag kaibigan na tayo pero hindi magandang tignan 'to lalo na't dalawa lang tayo ang nandirito."
"I see." Binitawan niya na ang kamay ko at pilit akong ngumiti sakaniya. Siguro kung wala akong asawa't anak ay baka kinilig na ako pero hindi e. Hindi ako single.
"Pasensya na talaga. Mauna na ako."
"Yung cellphone mo at susi ng sasakyan mo nandiyan na sa bag mo."
"Salamat."
Tinalikuran ko na siya atsaka lumabas na ako ng unit niya. I closed the door of his unit at napa hinto ako at tinitigan ko ang pinto nito.