Chapter 16

4.3K 168 130
                                    

Nasa office na ako ngayon at hinihintay na dumating si Luke. Sabi niya kasi ay papasok na siya ngayon but kailangan niya lang pumunta ng hospital para ipa check ang sugat niya. At oo, sugat nga ito. Hindi niya sinabi sa akin kung paano niya nakuha 'yon kahit pa pilit ko na siyang tinatanong. Hinayaan ko na lamang dahil ayaw niya talagang sumagot. Saka niya nalang daw sasabihin sa akin. Mas lalo tuloy akong na curious. Baka mamaya gangster pala siya, tapos nakuha niya 'yon sa pakikipag basag ulo.

Mygosh! Ano ba 'tong mga iniisip ko? Parang beyond the imagination naman na. Si Luke? Gangster? Si Lucia, oo gangster siya at nasa dating niya naman 'yun. Pero si Luke? Mukha siyang bad boy oo, pero hindi. Mabait siya, gentleman at lahat na yata sakaniya. Teka nga, gangster si Lucia 'di ba? Gangster pa kaya siya ngayong may pamilya na siya?

"Good morning!"

"Ay punyeta ka!" Napahawak ako sa may dibdib ko ng biglang sumulpot si Luke sa may harapan ko.

"Anong iniisip mo? Iniisip mo ba ako?"

"Eww. Never." I said at tinuon ko ulit ang sarili ko sa may desktop ko. Pero iniisip ko naman talaga siya e. Silang dalawa ni Lucia.

"So how is your wound? Is it okay now?"

"Yeah. It is fine now. Pwede ko na siyang galaw galawin."

"That's good then. Kung gusto mo munang mag pahinga, just take a rest."

"Mas gusto kong panoorin ka."

Ramdam ko ang pamamanhid ng mukha ko tanda na namumula ito dahil kinikilig ako. Bwisit! Ang tanda ko na para kiligin like hello?! Okay ka lang ba ghorl? Teenager ka?!

"Mukhang okay na nga. Bumabanat ka na e."

"Hindi banat 'yun. Totoo 'yun. Anyway, I bought you your favorite." Itinaas niya ang isang box at napa silip ako.

"What's that? Cake?"

"Yep. Chocolate cake. Wait, pag i slice kita. Just continue what you are doing."

Automatic na napangiti ako dahil ganito ba talaga siya? Napaka caring niya. Pati kay Aster ay napansin ko ang pagiging maalagain niya. Sana all talaga!

"Here." Inilapag niya sa may table ko ang cake with tinidor.

"Sweet naman. Thank you!"

"Anong thank you? I don't accept that."

"Huh?"

E ano? Magbabayad ba ako? Hindi niya ba libre 'to? Sa pagkaka kilala ko sakaniya ay galante siya, tapos ngayon ipapabayad niya sa akin 'to?

"Kiss. I want a kiss from you."

Lumapit siya sa akin and he pouted his lips in front of me while his eyes are closed. Gusto kong matawa dahil ang cute niya pero pinigilan ko ang sarili ko. No, no, no.

"I'm waiting." Inip na sabi niya.

Mabilis ko na lamang hinalikan ang labi niya para tumigil na siya. He smiled at me at umalis na ito sa may harapan ko.

"Life is really good! Thank you, Jesus!" He shouted.

"Crazy." Bulong ko at kumain na lamang ako ng cake.

Nag ring ang cellphone ko and I checked who is the caller. Sino 'to? Unknown number.

"Hello?" Sagot ko.

"Hi, kumare! Si Ryoga 'to. Ang pinaka gwapo mong kumpare."

What the hell? Si Ryoga?

"Kailan pa tayo naging mag kumare at kumpare?"

"Tagal na. Mga 6 years ago."

"Wala akong panahon makipag lokohan sa'yo. Nag tatrabaho ako."

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon