SUPER 🚨🚨🚨
We had a dinner in a restaurant together. I can say that is one of the most memorable dinner I've ever had in my whole life. Me, with my friends and their family. It was a superb dinner!
"Guys, naroon na ang mga bata sa room namin. Sila Rej, Leinah, Crane at Bella na raw ang bahala sakanila." Ryoga said.
Umupo ito sa may chair sa tabi ni Luke. Nandirito kasi kami ngayon sa may cottage namin at naisipan nilang mag inom. Hindi na nakisali sa amin ang apat at nag volunteer na ang mga ito na mag bantay ng mga anak namin. Hindi naman kasi namin sila pwedeng iwan nalang at baka kung ano pa ang gawin ng mga 'yun. May mga kalokohan pa man din silang alam gawin kahit pa mga bata palang sila.
"Gusto mo?" Tanong ni Luke sa akin at inabutan niya ako ng chips.
"Thanks." I said at umakbay ito sa may upuan ko.
Kanina pa ako kinikilig actually. Sobrang caring niya na kaunti na lang mag mukha na siyang alila ko lalong lalo na kay Aster. Todo asikaso siya na para bang taga alaga siya nito. Naka sunod siya lagi kay Aster at lahat ng nirerequest nito ay binibigay niya.
Nag bigay ng alak si Kennedy at Lucia sa amin. The usual mga tanggeros ng squad. Inabutan nila ako at mabilis na kinuha 'yon ni Luke at siya mismo ang nagbigay sa akin.
See? Ganiyan siya mula pa kanina. I drank the alcohol at humilab ito sa may lalamunan ko pababa sa sikmura ko.
"Ang tapang." Naka ngiwi na sabi ko. I look at the bottle at unfamiliar ito sa akin. Ngayon ko lang yata natikman 'to.
"Matapang talaga 'yan. Parang si Luke 'yan. Kaya kang ipag laban." Lucia said at nag tawanan sila.
"Ayyiiiee! #LukCie!" Sigaw ni Ryoga at pinag hahampas niya at alog si Luke na para bang kilig na kilig siya. Abnormal!
Nakaramdam ako ng matinding hiya dahil punyeta, inaasar nila ako. Alam na ba nilang lahat kung anong meron? Mukhang hindi ko na maitatago sa mga kaibigan ko ang tungkol dito. Open minded naman siguro silang lahat ano?
"Nahihiya si Lancie. Huwag ka na mahiya. Suportado ka naman namin e." Raine said habang kumakain ng pulutan.
"Oo nga." Jayden said. Asawa siya ni Bella and somehow medyo nahihiya ako sakaniya dahil kilala niya si Patricio.
"Stop it guys." Bawal sakanila ni Luke.
"Hayaan niyo nalang sila. Kunwari wala tayong alam. Bulag tayo." Tumatawa na sabi ni Evan.
"Kailangan ko nalang mag dasal at mag simba every Sunday." Kennedy said. "Ipagdarasal ko ang kaluluwa ko na nag pupush sa kasalanang 'to."
"Me too."
"Baby, hindi ka naman nag sisimba e. Huwag ka nga."
"Gago ka, Evan. Susuntukin kita e."
Nag tawanan naman silang lahat. Sana lagi nalang kaming ganito ng mga kaibigan ko. Yung puro saya lang. Ito 'yung namiss ko noon e. Noong mga panahong hindi ako kinakausap nila Lucia at Kennedy. And I'm so happy that we're all okay now. Plus the fact na nadagdagan pa ang mga kaibigan ko which is sila Ryoga.
Nag kwentuhan sila ng kung ano ano at nakisali na rin ako. We are talking about business, plans and etc.
"You still okay? Namumula ka na." Bulong ni Luke sa may tenga ko. Ang lakas kasi makatama ng alak na 'to.
"Yes. I'm still fine naman."
"Raine, Jayden tara swimming tayo. Brandon, G?" Aya ni Ryoga.