Chapter 20

4.2K 168 41
                                    

Sobrang saya ko dahil sobrang nag enjoy kami ni Aster sa family day nila. Tawang tawa ako dahil napaka gago ni Kennedy at Ryoga sa mga games kanina. Gusto ko na nga silang itakwil dahil napaka competitive nila. But to sum it all, it was Ryoga's family who won almost in the games.

Hindi ko alam kung paano sila nanalo na magpapamilya pero sobrang liksi kasi ni Cole at Ivan. Nagugulat na lamang ako e. Si Rej lang 'tong pinaka kulelat sakanilang apat pero nabitbit pa rin nila.

Kami naman nila Aster at Luke ay nanalo rin sa ibang games same with Lucia and Evan. Sa aming mag kakaibigan ay si Kent ang pinaka kulelat. Inis na inis tuloy si Kit dahil lagi silang talunan. Kawawang bata.

"Where do you want to eat?" Tanong ni Luke habang dina drive niya ang kotse ko. He doesn't have his car with him dahil naki sakay lang pala ito kina Lucia kanina.

"Aster, saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa anak ko na nasa may back seat.

"Anywhere nalang po. Wala po akong maisip, Mommy."

"Luto nalang ako?" Tanong niya sa amin.

"Yes, Daddy! I want carbonara again!" Masayang sagot ng anak ko at nag tatalon pa ito sa likuran.

"Aster anak, sit down. Baka mapano ka riyan." Suway ko sakaniya at umupo naman ito ulit.

"But Mommy hates carbonara." Tumatawa na sabi ni Luke at hinampas ko siya sa may braso niya.

"I like it na kaya. I like yours."

"Daan muna tayong supermarket. Let's buy some ingredients."

Gaya nga ng sabi niya ay dumaan muna kaming tatlo sa may supermarket. Namili kami ng mga ingredients doon at pinag bibili niya ng kung ano anong mga snacks si Aster especially chocolates. Binawalan ko nga sila dahil baka sumakit nanaman ang lalamunan nito at lagnatin nanaman ng wala sa oras.



"Do you need help?" Tanong ko sakaniya habang nag i start na itong mag luto. We are all in the kitchen at pinapanood ko lang  siya sa ginagawa niya.

"Nope. I am fine. Just sit back and relax." Sagot nito at napa ngiti na lamang ako.

"Luke, why are you good at cooking? Chef ka ba?" Tanong ko dahil nag tataka ako kung paano siya naging magaling sa pag luluto. Kasi ang sarap lang ng mga pagkain na hinahanda niya e. And the way he moves, he looks so professional.

"Mom, Daddy's dream is to be a Chef that's why. It's his talent." Sagot ng anak ko habang nag lalaro sa ipad niya.

Edi wowers. Siya na ang may alam! Close na close na talaga sila ng anak ko.

"Ah kaya pala." Sagot ko na lamang.

"Anak, what are you playing? You look so serious there." Tumayo ako sa tabi niya at napa tingin ako sa ipad niya.

Hirap na hirap siya sa pag control dahil malaki ito para sa mga maliliit niyang kamay.

"ML, Mom."

"ML?" Yumuko at pinanood ko siyang mag laro.

Tinignan ko ang screen at may kung ano siyang tao na naka costume na cinocontrol. It's a small girl na color green.

"You have slained an enemy!"

"That's mobile legend." Sagot ni Luke at naramdaman ko siya sa may likuran ko. Nakisilip din siya sa amin. "That's Ryoga's favorite online mobile game." He said at bumalik na ito sa may stove.

"Yes, Daddy. Kalaro po namin siya ni Cole, Uncle Raine at Uncle Luther."

"Luther?" Tanong ko. "Sinong Luther?"

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon