"Luther, can we just stay in Ldhejzo's house? Huwag na tayong umuwi ng Pilipinas."
"Ano namang gagawin natin don? Kuya will stay here and maybe he won't have time going home there especially this place is really far."
"So we'll go home?"
"Yeah. I think that's better. Let's just wait them to come home in the Philippines too."
"Aaahh!" Sigaw ko at napa upo ako. Hinihabol ko ang hininga ko at napahawak nanaman ako sa ulo ko nang kumirot ito.
"Are you okay?" Napa tingin ako sa lalaking nag salita at si Luke ito. Umupo siya sa may kama at agad akong lumapit sakaniya at yinakap ko siya.
Umiyak ako sa mga braso niya dahil nalulungkot ako. Sa panaginip ko ay sobrang lungkot ko na ayaw ko raw umuwi ng Pilipinas dahil may isang tao akong ayaw kong iwan.
"Hey, it's alright. I am here. Please, don't cry. I am here." Pag aalo niya sa akin at tinapik tapik nito ang likod ko.
"Ayokong umuwi ng Pilipinas. Ayoko." Bulong ko sakaniya habang umiiyak ako. "Ayaw ko siyang i-iwan."
"Ssshh. You won't leave him. It's okay."
Humiwalay siya sa pagkaka yakap ko sakaniya at mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa mata ko. Hinalikan niya ang noo ko ng pa ulit ulit at parang kumakalma ang puso ko sa ginagawa niya sa akin.
Yinakap niya ako ulit at para akong nagiginhawaan sa yakap niya. Parang lahat ng takot, sakit at pangangamba na nararamdaman ko ay inaalis niya dahil sa yakap niya.
"Are you okay now?" Tanong niya sa akin at tumango ako.
"You sure?"
"Y-yeah. I'm sorry."
Humiwalay na ako sakaniya at napa yuko ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka ganito ngayon. May mga alala akong naiisip nalamang bigla at may mga boses akong naririnig. Ang masaklap, boses ko pa! Bakit ko naririnig 'yon? Tapos may boses pa ng lalaki at may panibago pang boses akong narinig. Tinawag ko siya e. Tinawag ko siya sa pangalan niya sa panaginip ko.
Lucifer? Arther? Shit! Hindi ko maisip. Tapos may bahay! May bahay akong gustong pag stay-an tapos hindi pwede. Binigkas ko ang pangalan niya sa panaginip ko pero hindi malinaw. Hindi ko maisip!
"Ano bang nangyari sa'yo kanina? Umiyak si Aster dahil bigla ka nalang nawalan nanaman ng malay. He was so scared."
Oo nga pala! Yung anak ko! Nilibot ko ang paningin ko at hindi ko kwarto 'to. Hindi rin kwarto ni Aster 'to. Nasaan ako?
"Nasaan siya?"
"He is in the living room playing with Cole. Hinayaan ko na muna silang maglaro doon. They got scared."
"Na abala nanaman kita. Sorry talaga. Sige na. Uuwi na kami."
Tatayo na sana ako nang pigilan niya ang kamay ko.
"Anong napanaginipan mo? At bakit ka hinimatay ulit? This is the third time na nahihimatay ka."
Oo nga. Kung bibilangin ko simula umpisa ang pagkaka hihimatay ko ay nakaka tatlong beses na ako. Una, sa coffee shop. Pangalawa, sa bahay. Tapos sa restaurant.
"Are you sick?"
"No. Hindi ko alam e. Bigla nalang sumasakit ang ulo ko dahil may mga naririnig akong boses. Boses ko."