Gaya ng gusto ni Luke ay umuwi kami ni Aster sa unit niya. Sobrang saya niya na mag kakasama kaming tatlo ulit ngayon at ganon din ang anak ko.
Nag open up si Aster sa akin kanina habang papunta kami rito at ang sabi niya ay nakokonsensya raw siya dahil sa family day. He feels like he is betraying Luke daw. That Luke is his dad too but he can't invite him dahil nga sa isa lang ang pwede.
I explained to him na hindi siya dapat makonsensya. Dahil ang tunay niyang ama ay si Pat at talagang dapat ay si Pat ang isama nito at hindi ang iba. Pwera na lamang kung wala si Pat ay pwede siya mag aya ng Tito or anyone na pwedeng ipag sub sakaniya sa mismong araw na 'yon. Mukhang naintindihan niya naman ako pero nakokonsensya pa rin siya.
"Sleep now, Aster. Don't think too much about it. Ako na ang mag e explain kay Luke. Okay?"
Hanggang ngayon na sa patulog na siya ay iniisip niya pa rin 'to. He asked me na ako na ang mag sabi kay Luke about that family day dahil nahihiya raw siya. Ayaw niya raw kasi na sa iba pa malaman ni Luke tapos ay baka raw tanungin siya nito. Stress na stress ang anak ko.
"Mom, explain it to him well. Please. I don't want Daddy Luke to get hurt."
"Okay. I will. Go to sleep now."
Kinumutan ko siya. Nasa baba pa kasi si Luke at may ginagawa pa ito kaya wala siya sa kwarto.
Hinintay ko siyang maka tulog and when I heard him snoring a little ay naisipan ko ng bumaba para kausapin si Luke tungkol sa problema ng anak ko. Masyado na talaga siyang attached sakaniya para isipin ito.
I saw Luke using his laptop on the sofa at seryosong seryoso ito sa ginagawa niya. Umupo ako sa may tabi niya at mabilis niyang sinara ang laptop niya.
"Why?" I asked. Bakit bigla siyang tumigil mag trabaho?
"Nothing. Is he sleeping?"
"Yeah."
"Bakit parang ang tamlay niya? Napansin ko lang."
Hinawakan niya ang kamay ko at ipinag salikop niya ito.
"He has a small problem." Pag uumpisa ko.
Napansin niya rin pala ang pagiging matamlay ni Aster. Ganon kasi siya usually kapag may iniisip o pinoproblema. He is not active. Kaya madali kong malaman kapag problemado siya at malungkot.
"What is it?"
"It's about the family day next week in their school."
"Ah yes. Sinabi nga sa akin 'yan ni Cole kanina. What about it?"
"Nakokonsensya 'yung bata. Iniisip ka niya. Because you are his daddy din daw but he can't invite you because of Patricio."
"What? Bakit?"
"He wants you to be there too but of course it's a family day so isang Daddy lang daw dapat. I told him that it's fine. That you will understand naman. But he keeps on insisting about you na baka mag tampo ka sakaniya. Sinabihan niya pa nga ako na kausapin ka about this dahil nahihiya raw siya sa'yo, and if I don't talk to you now ay sa iba mo pa malaman."
Tumawa naman ng mahina si Luke at pinisil nito ang kamay ko.
"Your son really amazes me." Napa tingin ako sakaniya at naka ngiti ito. "He doesn't need to think about me because I know where to place myself."
"Luke..." He just smiled at me.
"Hindi ako pwedeng mag demand sa'yo at sakaniya na ako dapat don, ako dapat dito dahil wala akong karapatan. Wala akong karapatan mag tampo sa mga desisyon niyo. Real talk 'yan. Pero natutuwa ako na iniisip niya pa talaga ako sa mga ganitong event. He really considers me as his dad and it makes my heart happy. That's enough for me."