Chapter 14

3.8K 174 117
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas at isang linggo ko na ring hindi nakikita si Luke simula nang gabing 'yon. He didn't come in the office at wala rin siyang paramdam sa akin o kahit kanino man. I am actually worried at tanong ako ng tanong kay Raine pero wala rin daw siyang alam. Hindi ko na tuloy alam kung anong iisipin ko.

Is he okay? Is he sick? Did he go somewhere?

Pati sa school ay inaabangan ko siyang mag hatid kina Vanvan at Lorence pero wala rin. Si Lucia ang laging nag hahatid sakanila. I asked Lucia too at pati siya ay wala rin daw alam. Para na akong mababaliw sa kakaisip. I wanted to text him or call him pero napang hihinaan ako ng loob.

Yung outing namin sana ay hindi rin natuloy dahil sakaniya. Kasi wala nga siyang paramdam. Nalungkot si Aster dahil don pero naging okay din naman siya eventually.

"Aster, baby." Tawag ko sa anak ko. Kumakain kaming dalawa ng dinner ngayon.

"Po?"

"N-nakakausap mo ba ang Uncle Luke mo?"

"Hindi po. I am worried nga po Mommy because he hasn't called me for one week."

"Ah g-ganon ba?"

"Why mom? Do you miss him?" Tanong niya at napahinto ako sa pag slice ng beef ko.

"No. I am just asking." Pag dedeny ko but yeah. I kinda miss him a little. Lalo na sa office.

"I miss him." Malungkot na sabi niya. "I hope he will show up again."

"I-I hope that too."

Kumain na lamang ako at itinuon ko na lamang ang pansin ko sa pagkain. Siguro naman okay lang siya kung saan man siya naroroon. Wala namang sigurong nangyaring masama sakaniya. Kumakain pa naman siguro siya three times a day at umiinom ng tubig. Damn! Ano ba 'tong iniisip ko?

"Ma'am Lancie, may bisita po kayo."

"Who?"

"Bestieeeee!" Napangiti ako nang makita ko si Cole na tumatakbo papunta kay Aster. Bumaba si Aster sa upuan nito at sinalubong niya ang bestfriend kuno niya.

"Kumain ka na ba? Tara kumain ka na muna. Hindi 'to luto ni Mommy kaya masarap 'to."

"Aster!" Bawal ko sakaniya. Sinisiraan niya ako. Harap harapan pa! I feel so betrayed.

"Hi."

I look back and I saw Ryoga standing in the entrance. Anong ginagawa niya rito? Bakit nandirito siya?

"Auntie Lancie, sinama ko po ang gwapo at masarap kong Daddy. Okay lang po ba kung dalawa na po kaming makiki kain?" Tanong ni Cole. Ang cute talaga niya. Kamukhang kamukha niya ang ama niya.

"Anak, close kami ni Lancie. Kumain ka na riyan."

Lumapit sa amin si Ryoga at umupo ito sa may tabi ko. Wow. Feel at home? Bakit ba siya nandirito? Akala ko pa naman ihahatid niya lang si Cole.

"Bestie, kumain na tayo." Aya ni Aster kay Cole at umupo na silang dalawa.

Nilagyan siya ng kanin at ulam ni Aster sa may plato nito. Naka ngiti ako habang tinitigan silang dalawa. Ang cute cute lang nila. I've never expected na makakahanap ng so called "bestie" ang anak ko. At ang matindi pa ay, anak ito ni Ryoga. 

"Ang cute nila no?" I look at Ryoga beside me. He is staring at the kids habang may ngiti sa mga labi niya.

"Yeah."

"Ito 'yung pangarap namin ni Luke e." Malungkot na sabi niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa binanggit niya ang pangalan ni Luke.  

"Pangarap?" Tinignan ko ulit ang mga bata.

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon