CHAPTER 9

2.4K 115 1
                                    

JK'S POV


Recess na ngayon at kakalabas lang ni sir. Habang inaayos ko ang gamit ko ng biglang magsalita si Angela.

"Wag kang maging mabait kay Claire masyado. Sinisiraan kana nya sa pamilya nyo at wag kang magpaapi sa kanya!" sabi nya kaya tumingin ako sa kanya.

"Ganun lang siguro sya. Tyaka kapatid ko sya kaya intindihin nalang ninyo dahil yun din ang ginagawa ko!" sabi ko.

"Intindihin? Tss, inintindi namin sya nung mga bata pa tayo pero sumusobra na sya.... Wag kang maawa sa kanya dahil kahit kailan hindi sya naawa sayo. Wag mo ring isipin na magkapatid kayo dahil kahit kailan hindi ka nya itinuring na kapatid" sabi ni Lj kaya napabuntong hininga ako.

"Kaya ko namang tiisin lahat nang ginagawa nya sakin eh!" naka ngiti kong sabi.

"Kahit na mapatay kana nya? Oh c'mon Jk, wake up. Handa ka bang magpaka tanga para lang sa kanya?" inis na sabi ni Aj.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa nya sayo nung mga bata palang tayo? Jk, muntik kana, muntik kanang mawala samin *sob*. Kung hindi pa namin tinawag sila nanay Rita baka ngayon*sob*... baka ngayon hindi kana namin kasama tapos ayos lang sayo kahit na anong gawin nya sayo!? Hahaha ang mas *sniff* nakakatawa pa, lagi mo syang pinagtataktap sa pamilya mo. Lagi mong sinasabi samin pati na kina nanay Rita na wag sabihin sa pamilya mo ang ginagawa sayo ng kapatid mo!" mahabang sabi ni Angela habang umiiyak. Silang apat umiiyak na sa harap ko habang ako hindi maka iyak kahit gusto ko.

"Ayaw ko lang ng gulo kaya hindi ko pinapaalam!" sabi ko habang alinlangang naka ngiti.

"Tsk, ayaw mo ng gulo pero na sasangkot ka sa gulo. Katulad kanina, naabutan ka namin na sasampalin na sana ni Lanie, namumula na naman yang pisnge mo oh!" turo ni Aless sa pisnge kong sinampal kanina.

"Pero hindi ako ang nauna!" depensa ko.

"Yun na nga eh *sniff* hindi ikaw ang nauna pero ikaw mismo, *sniff* ikaw mismo hindi mo pinagtatanggol ang sarili mo. Yun ang problema sayo eh *sniff*... tinitiis mo kahit halos mamatay kana, hindi ka papatol hanggat walang ibang nasasaktan. Ikaw ang dahilan kung bakit tayo na kick-out sa dating pinapasukan natin, dahil hindi mo dinepensahan ang sarili mo nung nasa principal office tayo!" mahabang sabi ni Aj na dinuro duro ako.

"Pumatol naman ako diba?! Tyaka ako lang ang na kick-out pero sumama kayo sakin!" sabi ko.
"Yun na nga eh, pumatol ka kung kailan may nasasaktan ng iba. Ganun naman lagi ang nangyayari kaya palipat lipat ka ng school at nadadamay kami dahil sayo!" pang-sisisi ni Lj sakin.

"Ah ganun ba? Sorry ha, sorry kung dahil sakin na dadamay kayo, sorry kung pati kayo naaabala ko. Jindi ko naman kasi sinabing sumama kayo sakin na lumipat, hindi ko naman sinabi sa inyo na kung saan ako, nand'on din kayo!" mahinahon  at mahaba kong sabi kaya hindi na sila nakapag salita.
"Sinabihan ko na kayo na kaya kong ako lang, na kaya kong tiisin ang lahat" dugtong ko.

"To the point na pati buhay mo ang kapalit? To the point na mawala kana talaga samin?" sabi ni Angela at bumuhos na naman ang luha nilang apat.

"Bakit? Patay na ba ako? Hindi nyo na ba ako kasama?" tanong ko.

"Oo kasama kapa namin, pero Jk naman, wag mo nang hintayin na mangyari ang kinatatakutan namin... ng pamilya mo!" sabi ni Lj na parang nakikiusap.

"Hindi ko... hindi ko sya kayang saktan!" naka yukong sabi ko.

"Hahaha dahil ano?" pekeng tawa ni Angela.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MET MR.MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon